Chinese Horoscope; Setyembre 29

309

DAGA (RAT)

Kikislap ang mga mata mo ngayong araw dahil sa ganda ng magiging benta mo ngayong araw na ito. Ilang araw naging matamlay ang iyong negosyo kaya naman nanamnamin mo ang ganda ng kita mo ngayon.

Masuwerteng numero; 7,8,19,21

BAKA (OX)

Sa wakas ay matutuloy na rin ang inaasam mong paglipat ng bahay ngayon. Ito ay dahil mareresolba na rin ang mga problema mo na siyang nakakapigil sa plano nyo na paglipat. Mapapanatag na rin ang loob mo.

Masuwerteng numero; 11,12,15,17

TIGRE (TIGER)

Ang matagal ng alitan sa pagitan nyo ng isang miyembro ng pamilya ay maaayos na rin ngayon. Matagal na panahon din na binulabog nito at ginulo ang inyong pamilya kaya para kang mabubunutan ng tinik ngayon.

Masuwerteng numero; 25,30,39,40

KUNEHO (RABBIT)

Malabo mo pang maabot sa ngayon ang pangarap mo pero huwag mawalan ng pag-asa dahil sa araw na ito ay magsisimula na ang stepping stone mo patungo sa iyong pangarap. Ipagpatuloy lang ang paghakbang.

Masuwerteng numero; 45,47,50,55

DRAGON (DRAGON)

Kahit na anong gawin mo ay hindi mo pa rin mababago sa ngayon ang sitwasyon nyo sa bahay. Same people, same routine at ganoon pa rin ang mga gawain dahil walang nag-eeffort para baguhin ito maliban sa’yo.

Masuwerteng numero; 66,68,69,74

AHAS (SNAKE)

Isang bagong oportunidad ang matitisod mo sa araw na ito. Magkakaroon ka ng pagdadalawang isip subalit bago matapos ang araw ay tatanggapin mo pa rin dahil maiisip mo ang pangangailangan nyo ngayon.

Masuwerteng numero; 27,28,30,34

KABAYO (HORSE)

Kahit na gaano katigas ang puso mo para sa isang kamag-anak na pasaway ay lalambot pa rin ito sa oras na lumapit siya sa’yo at humingi ng tawad. Hindi mo rin siya matitiis sa kabila ng mga nagawa niyang hindi maganda.

Masuwerteng numero; 14,15,20,26

TUPA (SHEEP)

Marami ka pang bigas na kakainin bago mo mahigitan o mapantayan man lang ang nagawa ng isang nakatatandang miyembro ng inyong pamilya para sa inyo, kaya mas makakabuti kung magpapakumbaba na lang.

Masuwerteng numero; 35,37,38,39

UNGGOY (MONKEY)

Hindi ka makakaiwas ngayon sa sigalot sa trabaho dahil kahit na anong gawin mo ay nasa iisang departamento kayo. Madadamay ang lahat ng kasama sa departamento nyo kahit pa ang mga walang kasalanan.

Masuwerteng numero; 1,2,13,14

TANDANG (ROOSTER)

Iwasan muna ang pagtaya na may kinalaman sa numero. Wala kang suwerte ngayon sa kahit na anong sugal. Kung patuloy kang susubok ay hindi ka magkakaroon sa halip ay mawawalan ka lamang kaya huwag na munang ipilit. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 11,16,28,30

ASO (DOG)

Magiging maaliwalas ang araw na ito para sa’yo. Ang bawat naisin mo ay sasang-ayunan ng tadhana. Kaya hindi ka mahihirapan na bigyang katuparan ang iyong mga plano maging ang mga gawaing pangsarili ay magiging magaan.

Masuwerteng numero; 22,25,26,30

BABOY (PIG)

Isang tao ang matutuwa sa’yo ngayong araw na ito dahil may maibabahagi ka sa kanyang parte ng iyong buhay na kapupulutan niya ng aral. Dahil sa tuwa niya sa’yo ay makakatanggap ka ng biyaya mula sa kanya.

Masuwerteng numero; 10,11,13,15

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here