Chinese Horoscope Setyembre 29, 2022

DAGA (RAT)

Kakailanganin mo munang magpalamig bago mo muling harapin ang isang tao na nagdulot sa’yo ng malaking problema. Ang iniisip mong walang katapusang komprontasyon ay walang maitutulong para sa pagresolba ng problema.

Masuwerteng numero; 22,30,44,50

BAKA (OX)

Ang hindi marunong lumingon sa pinaggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan. Iyan ang kasabihan na hindi mo dapat kalimutan. Mas marami pa ang biyayang matatanggap mo kung mananatili kang nakatapak sa lupa.

Masuwerteng numero; 9,13,20,41

TIGRE (TIGER)

Sa kabila ng iyong pagkainip ay mananatili kang hopeful. Konting tiis na lang at palapit ka na nang palapit sa gusto mong makamit. Ngayong araw ay muli kang mapupuno ng pag-asa dahil sa magandang balitang dala ng isang tao.

Masuwerteng numero; 38,45,50,65

KUNEHO (RABBIT)

Hindi pa ito ang oras para sumuko. Kahit pakiramdam mo ay pagod na pagod ka na sa pagharap sa mga problema. Wala kang karapatan na sumuko kung ang mga mahal mo sa buhay ay patuloy na lumalaban para sa’yo.

Masuwerteng numero; 9,24,35,54

DRAGON (DRAGON)

Mapapangiti ka dahil sa isang lihim na matutuklasan.Gayunpaman, wala kang plano na sabihin ito sa iba. Ang mahalaga ay nalaman mo kaya’t alam mo na kung paano mo pakikisamahan at pakikiharapan ang isang tao dahil sa lihim niyang damdamin para sa’yo.

Masuwerteng numero; 22,39,40,68

AHAS (SNAKE)

Walang perpektong tao, bagay o sitwasyon sa mundo. Makakakita at makakakita ka o ang iba ng butas. Subalit hindi ibig sabihin ay hindi ka na pwedeng mag-enjoy. Samantalahin mo ang mga pagkakataon na nakakaramdam ka ng saya.

Masuwerteng numero; 29,45,55,70

KABAYO (HORSE)

Gaano mo man kagusto na baguhin ang sitwasyon mo ngayon ay wala ka ng magagawa tungkol dito.Mas makakabuti kung iisip ka na lang ng solusyon sa halip na magmukmok at isipin nang isipin ang problemang ayaw kang lubayan.

Masuwerteng numero; 23,49,51,63

TUPA (SHEEP)

Ang inaasahan mong darating ngayong araw ay hindi darating. Kung sino pa ang hindi mo inaasahan ay siya mong makakasalamuha ngayon. Huwag mong hayaan na pagharian ka ng lungkot dahil hindi ito makakatulong sa’yo.

Masuwerteng numero; 35,47,58,73

UNGGOY (MONKEY)

Mas magiging maayos ang takbo ng negosyo mo ngayon kaysa nung nakaraang araw. Isang malaking blessing na ito na dapat mong ipagpasalamat. Pasalamatan mo rin ang mga tao na naging dahilan para maging posible ang akala mo ay malabo na.

Masuwerteng numero; 19,20,31,54

TANDANG (ROOSTER)

May pagbabagong magaganap sa iyong buhay pag-ibig. Ngayon mo mapapatunayan na wala talagang forever kahit gaano pa katagal at katatag ang pundasyon ng pagmamahalan nyo ay magigiba ito kung hindi kayo ang magkapalaran.

Masuwerteng numero; 6,17,30,50

ASO (DOG)

Mas bibigyan mo ngayon ng prayoridad ang iyong trabaho dahil sa laki ng pangangailangan mo sa pera. Hindi mo na muna bibigyan ng atensyon ang mga bagay na hindi makakatulong sa problema mo maging ang iyong mga kaibigan na madalas gumimik.

Masuwerteng numero; 12,49,77,80

BABOY (PIG)

Isang malaking oportunidad ang mapapalampas mo dahil mas uunahin mo ang iyong pag-ibig. May posibilidad na masisi ka ng mga mahal mo sa buhay dahil dito. Pero wala kang ni katiting na pagsisising mararamdaman.

Masuwerteng numero; 8,13,14,25