Chinese Horoscope; Setyembre 28

271

DAGA (RAT)

Mas mamatamisin mo pa na manatiling mahirap kaysa yumaman sa pamamagitan ng panlalamang sa kapwa. Hindi mo maaatim na sumama sa isang grupo na ang layunin ay magpayaman dahil sa pinaghirapan ng iba.

Masuwerteng numero; 10,13,14,15

BAKA (OX)

Sa pagkakataong ito ay sarili mo naman ang susundin mo. Matagal ka ng nagging sunud sunuran sa mga taong nakapaligid sa’yo pero wala pa ring nangyari kaya naman ngayon ay susubukan mo naman ang sariling pasya.

Masuwerteng numero; 56,60,65,67

TIGRE (TIGER)

Wala kang ibang hangad kundi ang ikakabuti ng iyong pamilya kaya pagbibigyan ka ng langit. Bibigyan ka ng pagkakataon na ipakita mo ang iyong natatanging galing at kakayahan para sa ikaaangat ng inyong kabuhayan.

Masuwerteng numero; 15,20,22,24

KUNEHO (RABBIT)

Hindi ikaw ang tipo ng tao na mabilis maengganyo sa mga bagay na magaganda lalo na kung ito ay rekomendasyon ng mga kakilala. Kinikilatis mo muna itong Mabuti at inaalam ang bawat detalye kung wala itong maidudulot na masama. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 7,8,9,19

DRAGON (DRAGON)

Maraming beses mo ng naitanong sa iyong sarili kung bakit ang bibigat ng pagsubok na ibinibigay sa’yo ng Diyos. Kung bakit palagi ka na lang binibigyan ng problema. Ngayon ay malalaman mo na rin ang kasagutan.

Masuwerteng numero; 11,13,20,21

AHAS (SNAKE)

Mamamalayan mo na lang sa araw na ito na wala ka na palang problema. Lingid sa’yo ay magagawan na ito ng paraan na masolusyunan ng isang malapit at mabuting kaibigan. Dapat mo itong ipagpasalamat sa kanya.

Masuwerteng numero; 40,45,47,48

KABAYO (HORSE)

Hindi mawawalan ng saysay ang pagtulong mo sa isang kamag-anak. Bukod sa tatanawin niya itong malaking utang na loob sa’yo ay makikita mo pa ang magandang bunga ng pagtulong mo na ito sa kanya at kanyang sariling pamilya.

Masuwerteng numero; 16,20,27,30

TUPA (SHEEP)

Mahihirapan kang gawin ang isang malaking proyekto ng mag-isa o ng konti lang ang kasama. Kaya sa ayaw mo at sa gusto ay mapipilitan kang mangalap pa ng ibang tao na makakatulong sa inyo upang mapabuti ito.

Masuwerteng numero; 28,30,33,35

UNGGOY (MONKEY)

Wala kang ibang hangad kundi ang magawa ng maayos ang iyong trabaho. Gagawin mo ang lahat para maging maganda ang kalalabasan nito kaya wala kang pakialam kung makalimutan mo man ang kumain o magkulang ka sa tulog. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 2,4,5,11

TANDANG (ROOSTER)

Importante sa’yo ang sasabihin ng iyong boss tungkol sa iyong trabaho. Sa araw na ito ay makakatanggap ka ng compliments mula sa kanya kaya naman lalo kang sisipagin sa puwestong naiatang sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,8,17,18

ASO (DOG)

Daig ng maagap ang taong masipag at iyan ang patutunayan mo sa araw na ito. Aagapan mo ang isang magandang proyekto na mapunta sa’yo. Marami ang mapapailing at mapapataas ang kilay pero wala silang magagawa.

Masuwerteng numero; 44,45,47,58

BABOY (PIG)

Ikaw ang tao na hindi marunong makuntento lalo na kung ito ay may kinalaman sa inyong kabuhayan. Gusto mo ng the best para sa iyong pamilya kaya dadagdagan mo pa ang sipag at tiyaga mo ngayon para sa kanila.

Masuwerteng numero; 31,32,49,50

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here