Chinese Horoscope; Setyembre 27

529

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Maaliwalas na umaga ang bubungad sa’yo paggising mo pa lang. Dapat mo na itong ipagpasalamat sa Diyos. Ipagpatuloy mo ang araw nang may ngiti sa iyong mga labi dahil ang swerve ay papalapit na nang papalapit sa’yo.

Masuwerteng numero; 8,12,23,39

BAKA (OX)

Iwasan ang madalas na pagbibitaw ng pangako. Wala ka sa posisyon ngayon para matupad mo ang iyong mga pangako kahit pa gustong gusto mo. Kaiinisan ka lamang at mahuhusgahan kung ipagpapatuloy mo ito.

masuwerteng numero; 5,25,31,40

TIGRE (TIGER)

Ang pangarap mong makapagtrabaho sa ibang bansa ay magkakaroon ng katuparan kung hindi ka magpapabago-bago ng isip. Ang ganito mong style ang haharang sa suwerte na posible mong makamit sa ibang bayan.

masuwerteng numero; 18,52,56,63

KUNEHO (RABBIT)

Magkakaroon ka ng ibang option para solusyunan ang problemang kinakaharap mo. Bago piliin ang solusyon ay siguraduhin muna na mas less ang maaapektuhan at hindi ito manganganak ng panibagong problema.

Masuwerteng numero; 11,13,24,27

DRAGON (DRAGON)

Magandang pagkakataon ito para bigyang kasiyahan ang iyong mga magulang. Magiging masaya ang buong maghapon mo kung sila ang pipiliin mo na makasama at maka-bonding para sa araw na ito kaysa sa iyong mga kaibigan.

Masuwerteng numero; 20,26,39,40

AHAS (SNAKE)

Hindi mo maiiwasan na mag-init ang ulo sa araw na ito dahil sa mga maling gawa ng ilan sa miyembro ng iyong pamilya na makikita mo. Hindi mo mapipigilan ang sarili na itama ang mga ito kahit pa magalit sila sa’yo.

Masuwerteng numero; 28,34,47,62

KABAYO (HORSE)

Isang kasamahan sa trabaho ang magpapainit ng ulo mo dahil sa isang proyekto na hindi ninyo pagkakasunduan. Mas makakabuti kung bibigyan mo muna ng oras ang sarili para pag-aralan ang lahat bago ka magbitaw ng komento.

Masuwerteng numero; 21,22,45,46

TUPA (SHEEP)

Ikatutuwa mo ang magiging pagkikita nyo ng isang tao na matagal mo nang hinahanap. Bagamat saglit lang ang oras na mailalaan nyo sa inyong pag-uusap ay magkakaliwanagan naman kayong mabuti tungkol sa isang mahalagang bagay.

Masuwerteng numero; 1,17,38,50

UNGGOY (MONKEY)

Ikagugulat mo ang pagpaparamdam ng tao na dating mahalaga sa’yo at labis mong hinahangaan. Kung kalian unti-unti mo na siyang nakakalimutan ay saka naman siya magpaparamdam kaya hindi mo maiiwasan na maguluhan.

Masuwerteng numero; 9,10,18,23

TANDANG (ROOSTER)

Ang balak mo na pangingibang bansa ay matutuldukan ngayon dahil sa gagawin mong pagpapasya. Gayunpaman, magsisilbi itong blessing in disguise dahil nasa sarili mong bansa ang mas malalaking blessing na laan para sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,12,14,15

ASO (DOG)

Makakaramdam ka ng takot at pangamba sa isang engkuwentrong kasusuungan mo. Ang senaryong ito ang magpapabukas sa isip mo kung gaano kahalaga ang iyong buhay kaya mapapaisip ka ng husto sa iyong mga pinagdaanan.

Masuwerteng numero; 38,52,66,76

BABOY (PIG)

Magiging lucky charm mo ang isang kaibigan. Bagamat hindi mo inaasahan ay siya lamang ang tanging makapaghahatid sa’yo sa magandang trabaho na inaasam mo at siya rin ang makakatulong sa’yo sa iba pang malilit na problema sa ngayon.

Masuwerteng numero; 42,55,73,78

SHARE
Previous articleMga Pagkaing Pampahimbing ng Tulog
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Setyembre 27, 2019

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here