Chinese Horoscope; Setyembre 27

277

DAGA (RAT)

Hindi mo mapipigilan ang sarili na magcelebrate dahil sa sobrang kasiyahan na mararamdaman mo dulot ng muling pagkakabalik sa pinakaaasam na trabaho. Sa araw na ito ay hindi makakasingit ang kalungkutan sa damdamin mo.

Masuwerteng numero; 50,51,56,60

BAKA (OX)

Hindi magiging madali para sa’yo ang gawaing matatapat sa’yo ngayong araw pero kakayanin mo. Ikaw ang tao na hindi marunong sumuko at mahilig tumanggap ng mga paghamon kaya sisikapin mong kayanin kahit mahirap.

Masuwerteng numero; 14,20,23,26

TIGRE (TIGRE)

Ang mga plano mo na matagal natengga sa iyong utak ay muling magiging aktibo ngayon. Pag-iisipan mo ulit itong mabuti kung paano mo maisasakatuparan ng maayos nang wala kang tao na masasaktan o masasagasaan.

Masuwerteng numero; 30,33,40,45

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo kailangan na maging perpekto sa lahat ng gagawin mo. Ang kailangan mo lang ay palaging maging alisto at seryoso. Kung may nais kang maabot sa iyong buhay ay kailangan mo itong pagtuunan ng atensyon.

Masuwerteng numero; 22,31,34,50

DRAGON (DRAGON)

Sa panahon na ito ay iwasan mo na ang maging sunud sunuran sa mga tao na ang gusto lamang ay paikutin ka sa kanilang mga palad. Kailangan mo nang matutunan kung paano tutukuyin ang tunay sa hindi.

Masuwerteng numero; 6,8,9,19

AHAS (SNAKE)

May mababalitaan kang hindi magandang sinasabi ng iyong boss tungkol sa isang kasamahan mo sa trabaho. Pero mas pipiliin mo ang manahimik na muna upang hindi madamay sa gulo dahil ayaw mong mawalan ng trabaho. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 30,37,38,40

KABAYO (HORSE)

Ngayong araw ay paiiralin mo ang pagiging demanding. Ito ay para lamang mainis mo ang tao na kinaiinisan mo rin. Hindi mo gusto na nakukuha niya ang mga bagay na gusto niya sa hindi patas na paraan.

Masuwerteng numero; 18,19,20,21

TUPA (SHEEP)

Hindi ka naman maghahangad ng labis sa iyong pangangailangan pero sa araw na ito ay mismong langit na ang magbubuhos ng biyaya sa’yo na sobra sobra pa sa kahilingan mo. Ikasisiya mo ito at ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 4,6,17,18

UNGGOY (MONKEY)

Ang pagiging simple mo sa pagdadala ng problema ang siyang maghahatid sa’yo sa solusyon na matagal naging mailap sa’yo. Ito ang solusyon na kailangang kailangan mo ngayon upang matapos ang isang mabigat na problema.

Masuwerteng numero; 15,20,23,24

TANDANG (ROOSTER)

Muli kang mabibigyan ng pagkakataon na itama ang iyong mga nagawang pagkakamali sa isang tao. Huwag mo ng sayangin ang pagkakataong ito dahil dito nakasalalay ang magiging kinabukasan mo at ng mga mahal mo sa buhay.

Masuwerteng numero; 13,20,37,48

ASO (DOG)

Huwag kang matakot na ipakita ang tunay mong pagkatao sa kahit na kanino. Mas magugustuhan nila ang totoong ikaw kaysa sa ipinapakita mo ngayon na ikaw mismo ay nahihirapang magpanggap para sa kanila.

Masuwerteng numero; 60,61,63,69

BABOY (PIG)

Hindi mo maikakaila sa sarili ang lungkot na mararamdaman mo ngayon. Ito ay may kinalaman sa paghihintay mo sa isang pangako na binitawan sa’yo ng isang tao na malapit sa puso mo dahil alam mong hindi pa niya ito matutupad sa ngayon.

Masuwerteng numero; 11,13,15,25

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here