Chinese Horoscope; Setyembre 26, 2020

369

DAGA (RAT)

Hindi mo na kailangang magbakasakali sa iyong mga balakin. Kung sa tingin mo ay okay ito, gawin mo na. Dahil ang patuloy mong pagdadalawang isip ang siya ring makakasira sa iyong mga plano kaya’t iwasan mo ito.

Masuwerteng numero; 6,7,17,18

BAKA (OX)

Huwag mong dalasan ang paglabas na wala ka namang importanteng pakay. Sa araw na ito ay malapit ka sa kapahamakan at maaari mo itong maranasan sa labas. Kaya’t hangga’t maaari ay manahimik sa loob ng tahanan.

Masuwerteng numero; 24,30,33,34

TIGRE (TIGER)

Magiging inspirado ka ngayon sa pagluluto dahil sa bagong natutunan na teknik sa social media. Icha-challenge mo ang sarili para gawin ito at mahigitan pa ang iyong nakita. Makakaramdam ka ng kasiyahan dahil dito.

Masuwerteng numero; 45,49,50,56

KUNEHO (RABBIT)

Mapipilitan kang i-give up ang isang alahas para sa pangangailangan ng isang malapit na kamag-anak. Dahil wala kang maibibigay na cash sa kanya kung kaya’t gagamitin mo ang mga nakatabing alahas para makatulong.

Masuwerteng numero; 50,51,65,67

DRAGON (DRAGON)

Isang magandang oportunidad ang darating para sa’yo sa araw na ito. Ikatutuwa mo ito ng sobra dahil matagal ka ng nananalangin ng pagkakataon para mabago naman ang iyong buhay. Ito na ang hinihintay mong pagkakataon.

Masuwerteng numero; 11,13,20,21

AHAS (SNAKE)

Para lang walang masabi ang mga tao na nakapaligid sa’yo ay ikaw na ang magpapaubaya sa isang kapitbahay tungkol sa inyong pinagtatalunan. Sa kabila nito ay meron pa ring mga tao na hindi ikatutuwa ang iyong pasya.

Masuwerteng numero; 15,19,21,22

KABAYO (HORSE)

Huwag masyadong magtiwala sa isang bagong kaibigan. Alamin mo muna ang kanyang background at ang tunay niyang motibo bago ka magbitaw ng malaking halaga. Dapat mong paniwalaan ang sariling instinct.

Masuwerteng numero; 4,14,16,20

TUPA (SHEEP)

Mapapasubo ka sa isang sitwasyon na ayaw na ayaw mo pa naman. Ito ay dahil sa labis mong pagmamalasakit sa isang tao kahit na alam mo namang hindi niya pinahahalagahan ang pagmamalasakit mo.

Masuwerteng numero; 25,30,39,43

UNGGOY (MONKEY)

Hindi ka mapapahiya sa iyong boss dahil sa kabila ng mga aberyang nangyari sa inyong proyekto ay magiging pulido pa rin ito. Magagawa mo pa rin itong ipagmalaki sa kanya lalo na at makakatanggap ka ng mga papuri dahil dito.

Masuwerteng numero; 18,20,28,29

TANDANG (ROOSTER)

May magandang mangyayari para sa’yo sa araw na ito. Ito ay may kinalaman sa iyong negosyo online. Hindi mo ito inaasahan pero makakasungkit ka ng isang malaki at galanteng customer kaya naman masisiyahan ka.

Masuwerteng numero; 49,50,55,67

ASO (DOG)

Maraming beses ka ng naloko ng isang tao na may kaugnayan sa pananalapi. Kaya sa pagkakataong ito na muli siyang lalapit sa’yo ay matauhan ka na. Magising ka na sa katotohanan na hindi siya ang suwerte mo.

Masuwerteng numero; 70,72,73,84

BABOY (PIG)

Ingatan mo ang mahahalagang bagay sa’yo. Huwag mo itong ilagay sa lugar na hindi safe dahil sa araw na ito ay malaki ang posibilidad na mawalan ka ng isang mahalagang bagay na matagal mo ring iningatan.

Masuwerteng numero; 13,15,20,26

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here