Chinese Horoscope; Setyembre 25

369

DAGA (RAT)

Kaiinipan mo ang resulta ng proyektong pinaghirapan at pinagpuyatan mo ng ilang gabi. Aasa ka na magiging maganda ang resulta nito sa kabila ng maraming aberyang naganap bago mo ito maisaayos at matapos.

Masuwerteng numero; 4,5,16,17

BAKA (OX)

Ang patuloy mong pakikipagmatigasan sa isang kamag-anak na nakatatanda sa’yo ay magdudulot ng hindi pagkakaunawaan sa iba pang miyembro ng pamilya. May kakampi sa’yo at meron ding kakampi sa kanya.

Masuwerteng numero; 20,22,25,30

TIGRE (TIGER)

Hindi mo masusukat ang laki ng naitulong sa’yo ng isang kaibigan kaya naman tatanawin mong malaking utang na loob ito sa kanya. Anuman ang hilingin niya sa’yo ay sisikapin mong mapagbigyan siya makabawi man lang kahit papa’no.

Masuwerteng numero; 30,37,40,45

KUNEHO (RABBIT)

May suwerte ka ngayon sa pananalapi kaya’t samantalahin mo ang araw na ito na pagtuunan ng pansin ang may kaugnayan dito. Minsan lamang gaganda ang ikot ng kapalaran para sa suwerteng gaya nito para sa’yo.

Masuwerteng numero; 50,57,60,68

DRAGON (DRAGON)

Ikaw ang huling magbibigay ng opinyon tungkol sa mahalagang bagay na may kinalaman sa inyong pamilya. Pero mahihirapan kang magdesisyon nang hindi maaapektuhan ang sinumang miyembro ng inyong pamilya.

Masuwerteng numero; 11,15,20,25

AHAS (SNAKE)

Isang mahalagang okasyon ang hindi mo mapupuntahan dahil sa susulpot na aberya. Matagal mong hinintay at pinaghandaan ang okasyong ito na mauuwi lamang sa pagmumukmok mo dahil sa kabiguang makadalo.

Masuwerteng numero; 4,12,13,20

KABAYO (HORSE)

Sa wakas ay may magandang bagay ring mangyayari sa pagsisikap mo na mapalago ang inyong negosyo. Matapos ang ilang beses mong pagkatalo sa puhunan ay makakamit mo na rin ngayon ang magandang balik nito.

Masuwerteng numero; 45,46,50,57

TUPA (SHEEP)

Huwag kang mabahala. Wala kang dapat ipag-alala dahil kahit anong gawin nila para mapagtakpan ang kanilang kamalian ay lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan at malilinis ang iniingatan mong pangalan.

Masuwerteng numero; 14,17,18,19

UNGGOY (MONKEY)

Isa sa mga kaibigan mo ang magmamalasakit na ituwid ang iyong pagkakamali. Madali mo naman itong matatanggap dahil palagi kang open sa kritisismo. Dahil dito ay agad mong maitatama ang iyong mali at pasasalamatan mo siya.

Masuwerteng numero; 28,29,30,33

TANDANG (ROOSTER)

Mawiwindang ka sa mga bagong patakaran na ilalabas ng mga nakatataas sa inyong trabaho. Ang pagbaba ng memo na ito ang magsisilbing hudyat na hindi nyo na maaaring gawin ang mga nakasanayan nyo na.

Masuwerteng numero; 23,30,31,32

ASO (DOG)

Hindi puro negatibo ang idudulot sa’yo ng pagkabigo mo sa isang proyekto. Sa halip ay makikita mo rin ang magandang epekto nito sa’yo at sa inyong grupo dahil magkakaroon kayo ng chance para sa mas magandang oportunidad.

Masuwerteng numero; 6,7,9,19

BABOY (PIG)

Ito na ang magandang pagkakataon para ituloy ang planong paglalakbay. Maganda ang pagkakataon na ito para sa’yo. Magiging maaliwalas at magaan ang pagbibiyahe mo gaano man kalayo ang iyong pupuntahan.

Masuwerteng numero; 41,52,53,60

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here