Chinese Horoscope Setyembre 24, 2022

DAGA (RAT)

May mahalagang bagay kang makakaligtaang gawin ngayong araw. Ito ay dahil sa labis mong kaabalahan sa trabaho. Isang tao ang magpapaalala nito sa’yo kaya dapat lamang na magpasalamat ka sa kanyang pagmamalasakit bago mahuli ang lahat.

masuwerteng numero; 10,13,25,37

BAKA (OX)

Iwasan mo ang pakikipagtalo sa isang kakilala hinggil sa isang bagay na hindi naman ganoon kaimportante sa’yo. Mas makakabuti kung ang pagtutuunan mo na lang ng pansin ay kung ano ang mas mahalaga para sa’yo at sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 5,18,27,30

TIGRE (TIGER)

Maganda ang performance na ipinakita mo sa trabaho kaya naman hindi na nakakapagtaka kung magkaroon man ng pagtaas ang iyong posisyon. Mangyayari at mangyayari ito kahit na anong pigil pa ng iba.

Masuwerteng numero; 6,17,43,56

KUNEHO (RABBIT)

Hindi ka mahihirapan sa isang gawain tulad ng inaakala mo. Mas magiging madali pa nga ito para sa’yo ngayon dahil meron isang tao na magboboluntaryo para tulungan ka at malaki ang magagawa ng kanyang mga ideya.

Masuwerteng numero; 32,55,69,70

DRAGON (DRAGON)

Magiging mabigat sa kalooban mo na pakawalan ang isang kaibigan. Subalit gaano mo man pigilan ang kanyang tadhana ay wala ka pa ring magagawa. Kung ang magandang kapalaran niya ay nasa malayo, iyon ang magaganap.

Masuwerteng numero; 2,13,25,34

AHAS (SNAKE)

Maaliwalas ang buong maghapong lilipas para sa’yo. Hindi mangyayari ang hindi magagandang kaganapan na inaasahan mo.Masuwerte ka dahil kakasihan ka ngayon ng tadhana kaya’t huwag mo itong ipagwalang bahala.

Masuwerteng numero; 15,20,33,42

KABAYO (HORSE)

Ipagkikibit balikat mo lang ang mga tsismis na maririnig mula sa mga kapitbahay. Pagod ka na sa pagpapaliwanag sa kanila ng iyong side at sawa ka na rin na ipagtanggol ang sarili mo sa mga taong bulag at bingi sa katotohanan.

Masuwerteng numero; 1,12,13,14

TUPA (SHEEP)

Mawawalan ka ng gana na ipagpatuloy ang iyong nasimulan dahil sa kawalan ng suporta sa’yo. Mararamdaman mo na tila nag-iisa ka lang sa proyektong ito at walang nais tumulong  kaya kakatamaran mo nang tapusin pa ito.

Masuwerteng numero; 6,18,19,40

UNGGOY (MONKEY)

Mahusay ang ideyang maglalaro sa isip mo para sa ikauunlad ng iyong trabaho. Bagamat hindi mo pa ito masisimulan sa ngayon ay maaari mo na naman itong planuhin at sa pagpaplano pa lang ay mararamdaman mo na ang excitement.

Masuwerteng numero; 5,16,39,47

TANDANG (ROOSTER)

Mag-uumapaw ang kaba sa dibdib mo dahil sa isang espesyal na tao. Pasasayahin niya ang araw mo. Kahit pa may mga maliliit na problemang susulpot sa iyong harapan ay mananatili ang ngiti sa iyong mga labi.

Masuwerteng numero; 8,16,38,50

ASO (DOG)

Hindi mo maiiwasan na mag-init ang iyong ulo dahil sa mga malalaman mo. Pero kahit pikon na pikon ka na ay magagawa mo pa ring mapigilan ang sarili mo para pumasok sa isang komprontasyon. Hindi ito ang linya mo.

Masuwerteng numero; 11,22,54,71

BABOY (PIG)

Sakto lang ang suwerte para sa’yo ngayong araw na ito. Hindi man ito kasing laki ng inaasahan mong blessings e maituturing pa rin itong isang biyaya na dapat mong ipagpasalamat sa Diyos. Matutong magpakumbaba.

Masuwerteng numero; 24,53,66,78

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here