Chinese Horoscope; Setyembre 24

328

DAGA (RAT)

Sa araw na ito ay walang makakapigil sa’yo na gawin at tapusin ang iyong mga balakin kaugnay sa nabinbing proyekto. Para sa’yo ay walang ibang tamang panahon kundi ngayon kaya sisikapin mo na ito ay maayos mong magawa.

Masuwerteng numero; 18,30,35,49

BAKA (OX)

Ang pagpunta mo sa malayong lugar ay mapupurnada ngayong araw dahil sa isang biglaang pangyayari. Kaya naman sa muling pagkakataon ay masisira ang mga plano mo. Sa kabila nito ay balak mo pa rin itong ituloy sa ibang araw.

Masuwerteng numero; 7,10,17,20

TIGRE (TIGER)

Ang pangangati ng palad mo nitong nakaraang araw ay magkakaroon ng resulta ngayong araw. Dahil mahahawakan mo na sa palad mo ang perang hinihintay. Makakahinga ka ng maluwag kahit papa’no dahil mababayaran mo na rin ang ilang bayarin.

Masuwerteng numero; 50,56,58,62

KUNEHO (RABBIT)

Bago mo pag-isipan ang gagawing solusyon sa paparating na problema ay unahin mo munang resolbahin ang problemang nasa harapan mo na ngayon. Ito muna ang dapat mong bigyan ng aksyon upang hindi na lumala pa.

Masuwerteng numero; 15,20,22,24

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka mabibigo sa inaasam mong tagumpay ngayong araw dahil buo ang suporta sa’yo ng mga taong inaasahan mo na mag-aangat sa’yo sa karerang pinili mo sa iyong buhay. Malalasap mo ngayon ang lasa ng tagumpay.

Masuwerteng numero; 40,44,56,69

AHAS (SNAKE)

Huwag masyadong magtiwala sa mga tao na bago mo pa lang nakikilala lalo iyong mga nakilala mo lang sa internet. Malaki ang posibilidad na malito ka at magkamali ng pasya dahil sa labis at bilis mong magbigay ng tiwala.

Masuwerteng numero; 5,8,9,11

KABAYO (HORSE)

Isang dati ng kaibigan ang magsisiwalat sa’yo ngayon ng isang sikreto at dadaanin niya ito sa messenger. Hindi naman magiging mahirap sa’yo na paniwalaan ang kanyang ibubunyag dahil alam mo rin ang likaw ng bituka ng taong involve rito.

Masuwerteng numero; 4,13,14,25

TUPA (SHEEP)

Wala kang masasabi sa buti ng kalooban na ipapakita sa’yo ng isang bagong kaibigan. Maaalala mo sa kanya ang isang kaibigan na matagal ng yumao. Ang hindi mo lang magugustuhan ay ang mga tao na nakapaligid sa kanya.

Masuwerteng numero; 16,20,28,34

UNGGOY (MONKEY)

Hindi ka mahilig magluto pero ngayong araw ay maaakit ka na subukan ang isang bagong lutuin na mapapanood mo sa internet. Susubukan mo itong gayahain para maihain sa mga mahal mo sa buhay na kasama mo sa bahay. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 67,68,70,79

TANDANG (ROOSTER)

Wala kang dapat ipag-alala sa isang kamag-anak na may hawak ng iyong sikreto. Wala siyang kabalak balak na ilaglag ka sa anumang paraan kung kaya’t wala man kayong komunikasyon ngayon ay maaari ka ng mapanatag.

Masuwerteng numero; 33,35,40,42

ASO (DOG)

Sa araw na ito ay paiiralin mo ang pagiging sensitibo. Ito ay dahil hindi mo gustong napag-uusapan at nakakaladkad ang pangalan ng taong malapit sa’yo dahil lang sa hindi makatarungang panghuhusga ng iba.

Masuwerteng numero; 5,15,20,21

BABOY (PIG)

Ikagaganda ng araw mo ang magandang balitang makakarating sa’yo kaugnay sa iyong trabaho. Ito ay ang papuri na ipahahatid sa’yo ng iyong boss dahil sa katatapos mo lang na proyekto na naging matagumpay.

Masuwerteng numero; 30,35,40,41

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here