Chinese Horoscope; Setyembre 22

394

DAGA (RAT)

May maganda kang mapapala sa pag-iwas mo sa mga negatibong tao. Ngayon mo lang mare-realize sa sarili mo na mas masarap magdesisyon ng hindi ayon sa kagustuhan ng iba kundi sa sariling pasya at pagiging positibo.

Masuwerteng numero; 50,57,68,69

BAKA (OX)

Malalayo ka ng pansamantala sa mga mahal mo sa buhay. Kahit na hindi bukal sa kalooban mo ang paglayo sa kanila ay pikit mata mong tatanggapin alang-alang sa ikabubuti ng kapakanan ng buong pamilya.

Masuwerteng numero; 15,20,23,24

TIGRE (TIGER)

May malungkot na balita kang masasagap sa labas subalit hindi mo gusto na magpaapekto rito kaya naman pilit mong ibabaling sa ibang bagay na mas may kabuluhan ang isip mo para maging panatag ang loob mo.

Masuwerteng numero; 10,11,13,16

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo mapapansin ang pagbabagong magaganap sa loob ng inyong tahanan dahil mas nakapokus ka sa iyong trabaho. Kaya naman sa mga susunod na araw ay masosorpresa ka na lang sa epekto sa’yo ng mga pagbabagong ito.

Masuwerteng numero; 6,8,9,10

DRAGON (DRAGON)

Hindi magiging madali para sa’yo na tanggapin ang pinakabagong miyembro ng inyong pamilya. Sa umpisa pa lang kasi ay kakikitaan mo na siya ng hindi magandang attitude kaya naman bibigat agad ang loob mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 38,39,40,45

AHAS (SNAKE)

Hindi magiging balakid sa mga plano mo ang tao na inaakala mong hahadlang dito. Sa halip ay makakakuha ka pa ng suportang hindi mo inaasahan mula sa kanya kaya naman ikatutuwa mo ito ng labis.

Masuwerteng numero; 11,14,20,22

KABAYO (HORSE)

Sa araw na ito ay patutunayan mo sa ibang tao na hindi ka lang basta basta mababaw na tao. Kung minsan ay malalim ka ring mag-isip at nakakapag-isip ka rin ng tama. Ito ang katotohanang ipamumukha mo sa kanila.

Masuwerteng numero; 26,36,40,41

TUPA (SHEEP)

Malayo sa’yo ngayon ang kamalasan kaya naman pwede ka ng magsaya. Maganda ang araw na ito para gawin mo ang iyong mga plano dahil awtomatikong aayunan ka ng pagkakataon dahil sa taglay mong suwerte ngayon.

Masuwerteng numero; 56,58,69,70

UNGGOY (MONKEY)

Magiging maganda at maaliwalas ang bawat oras na lilipas ngayon sa iyong trabaho. Makakaramdam ka ng kapanatagan dahil wala sa paligid ang tao na pinangingilagan mo. Kaya naman makakakilos ka ng maayos.

Masuwerteng numero; 77,79,83,85

TANDANG (ROOSTER)

Sa dami ng mahihirap at mabibigat na pinagdaanan mo sa buhay ay mamaniin mo na lang ngayon ang panibagong problema na susulpot sa harapan mo. Para sa’yo ay kayang kaya mo na itong gawan ng paraan na masolusyunan.

Masuwerteng numero; 25,26,39,38

ASO (DOG)

Ikabibigla mo ang mababalitaan tungkol sa isang malayong kamag-anak. Ang kanyang pinagdadaanan sa ngayon ay hindi mo gugustuhing mangyari sa’yo kaya naman may malaki kang matututunan mula sa kanya.

Masuwerteng numero; 6,16,20,23

BABOY (PIG)

Huwag kang magpakasiguro sa mga tao na pinagsabihan mo ng iyong sikreto. Dahil parami na sila nang parami ay asahan mo ng hindi magtatagal at hindi na ito magiging lihim dahil sa dami ng nakakaalam. Wala kang ibang masisisi kundi ang iyong sarili.

Masuwerteng numero; 7,8,19,20

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here