Chinese Horoscope; Setyembre 20

2802

DAGA (RAT)

May maaasahan ka kahit sa pakiramdam mo ay wala kang ibang tao na masasandalan at mahihingan ng tulong. Matuto ka lang makiramdam. May tao na laging nasa likuran mo at handang umalalay sa’yo sa mga problema.

Masuwerteng numero; 10,20,30,35

BAKA (OX)

Hindi mo magagawang talikuran ang tao na siyang gumawa ng paraan noon para maialis ka sa isang hindi magandang sitwasyon. Kaya namang ngayong siya na ang nangangailangan ng tulong ay nakahanda kang tulungan siya.

Masuwerteng numero; 5,18,19,23

TIGRE (TIGER)

May magbabalik sa buhay mo. Hindi mo inaasahan na sa kabila ng kanyang mga nagawa sa’yo ay magkakaroon pa siya ng lakas ng loob na magbalik  at magpakita sa’yo. Wala kang balak na kausapin siya o harapin man lang.

Masuwerteng numero; 14,18,19,22

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo kailangan na mag-alala ng husto tungkol sa nagawa mong pagkakamali sa trabaho. Natural na nararanasan ito ng isang bagong empleyado. Mas makakabuti kung magpopokus ka kung paano mo ito maitatama.

Masuwerteng numero; 50,52,65,69

DRAGON (DRAGON)

May bagong paghamon sa buhay kang haharapin. Hindi ito magiging madali para sa’yo pero kakayanin mo dahil gusto mo na meron kang mapatunayan hindi lamang sa iyong sarili kundi para na rin sa mga walang tiwala sa’yo.

Masuwerteng numero; 4,7,10,20

AHAS (SNAKE)

Hindi mo gusto na mawalan ng tiwala sa’yo ang mga kasamahan mo sa trabaho. Kaya naman kahit alam mong may mali na sa inyong grupo ay mananatiling tikom ang iyong bibig bilang pakikisama sa kanilang lahat.

Masuwerteng numero; 33,35,40,49

KABAYO (HORSE)

Dahil sa iyong sipag at tiyaga ay mauungusan mo ang isang ka-opisina. Ang posisyong inaasam niya ay malaki ang posibilidad na mapunta sa’yo kung ipagpapatuloy mo ang walang kapaguran mong pagsisikap sa trabaho.

Masuwerteng numero; 2,9,11,13

TUPA (SHEEP)

Aksidente mong maitataboy ang kamalasan na dadapo ngayon sa inyong tahanan. Ito ay dahil sa pagiging positibo mo sa kabila ng mga pinagdaanan ng inyong pamilya. Naniniwala kang meron pa ring pag-asa.

Masuwerteng numero; 15,30,35,40

UNGGOY (MONKEY)

Kahit na parehong malapit sa’yo ang dalawang kaibigan ay magpe-playing safe ka muna sa kanilang hidwaan. Hindi mo gusto na makialam at madamay dahil natatakot ka na magkamali ng papanigan sa kanila.

Masuwerteng numero; 53,65,66,78

TANDANG (ROOSTER)

Wala kang magagawa sa ngayon para matulungan ang isang kamag-anak na dumadaan ngayon sa malubhang karamdaman. Nasa gitna ka rin kasi ng sarili mong problema ngayon at gipit na gipit ka rin sa pera.

Masuwerteng numero; 31,32,43,45

ASO (DOG)

Makakasundo mo na rin sa wakas ang tao na inaakala mong habambuhay mong magiging kaalitan. Ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nyo ay mawawakasan ngayon dahil na rin sa tulong ng isang malapit na kaibigan.

Masuwerteng numero; 15,17,21,28

BABOY (PIG)

Hindi na magtatagal ang paghihirap mo sa sitwasyon nyo ngayon. Paparating na ang suwerte na pinakahihintay mo at ito ang siyang magpapabago ng kalagayan mo at ng iyong pamilya. Kumapit ka lang sa pananalig sa Diyos.

Masuwerteng numero; 50,79,81,82

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here