Chinese Horoscope; Setyembre 19

0
517

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Hindi mo maiiwasan ang iyong ex. Ngayon ang araw na aaminin mo sa iyong sarili na may pagtingin ka pa sa kanya. Subalit sa sarili mo pa lang ito magagawang aminin dahil wala ka pang lakas ng loob para sabihin sa kanya.

Masuwerteng numero; 6,22,28,30

BAKA (OX)

Kahit gaano mo kagusto na makatulong sa mga kamag-anak mong nahaharap ngayon sa malaking problema ay hindi mo magagawa. Wala kang kakayahan na makatulong lalo pa at usaping pangpinansyal ang problema nila.

Masuwerteng numero; 10,20,34,50

TIGRE (TIGER)

Kahit na gaano kabuti ang iyong pakikisama sa lahat ng iyong mga kapitbahay ay may lalabas at lalabas na maiinggit sa’yo at gagawa ng paraan para hilahin ka pababa. Umiwas sa ganitong tao lalo na kung alam mo na kung sino.

Masuwerteng numero; 6,16,45,56

KUNEHO (RABBIT)

Dahil sa pagbibigay mo ng pabor sa isang tao ay malalagay ka sa alanganing sitwasyon. Kahit pa anong gawin mo ngayong araw ay mananatili ka sa sitwasyon na kasusuungan mo. Manatiling kalmado hanggang sa lumipas ito.

Masuwerteng numero; 27,33,48,49

DRAGON (DRAGON)

Hindi mo maikakaila sa iyong mga kaibigan ang labis mong pagdaramdam sa kanila dahil sa isang pangyayari. Kaya pipiliin mo na dumistansya na muna at ituon ang iyong atensyon sa ibang bagay kaysa magmukmok.

Masuwerteng numero; 5,15,26,35

AHAS (SNAKE)

Mahihirapan kang harapin ang bagong procedure sa iyong trabaho kaya hindi mo maiiwasan na humingi ng tulong sa mga mas nakakaalam. Matutong magpakumbaba lalo na kung ikaw ang siyang nangangailangan.

Masuwerteng numero; 11,42,57,66

KABAYO (HORSE)

Isang hindi pagkakaunawaan ang mamamagitan sa inyong dalawa ng kasamahan sa trabaho. Mas mabuti nang hindi ito palalain dahil higit kaninuman ay ikaw rin ang mas maaapektuhan. Habang siya ay hindi matitinag.

Masuwerteng numero; 22,30,40,53

TUPA (SHEEP)

Ikaw ang magiging takbuhan at sandalan ngayon ng isang malapit na kama-anak. Ang problemang pinagdaraanan niya ay minsan mo na ring napagdaanan kaya naman malaki ang maitutulong mo sa kanya kung paano ito mareresolba.

Masuwerteng numero; 11,38,39,65

UNGGOY (MONKEY)

Makakaramdam ka ng pananakit ng ulo dahil sa sobrang stress na iyong nararanasan. Makabubuti na maglaan ng oras sa pagpapahinga. Huwag manghinayang sa mga oras kung para naman ito sa ikagagaan ng iyong pakiramdam.

Masuwerteng numero; 4,28,29,40

TANDANG (ROOSTER)

Isang imbitasyon ang matatanggap mo mula sa isang tao na hindi mo inaasahang mag-iimbita sa’yo. Hindi masamang puntahan at hindi rin masamang tumanggi kung hindi ka komportable. Huwag lang kalimutan na magpasalama para rito.

Masuwerteng numero; 2,37,61,78

ASO (DOG)

Ang pagkikita nyo ng isang tao na mahalaga sa’yo ay mahahadlangan ng panahon. Isang senyales ito na hindi pa ito ang tamang oras para sa muli ninyong pagkikita. May dahilan ang tadhana para kayo ay pigilan.

Masuwerteng numero; 18,19,59,60

BABOY (PIG)

Hindi masamang magtanong kung kulang pa ang iyong nalalaman. Mahalaga ang matuto. Huwag lamang kakalimutan ang iyong mga natututunan upang hindi paulit-ulit ang maging eksena at hindi kainisan ng iba.

Masuwerteng numero; 10,13,23,38

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here