Chinese Horoscope; Setyembre 18

0
1152

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Hindi mo maalintana ang sariling problema dahil mas maaapektuhan ka sa problema ng isang malapit na kamag-anak. Mas pagtutuunan mo ito ng pansin para masolusyunan. Kaya naman ang sarili mong problema lalaki nang di mo namamalayan.

Masuwerteng numero; 7,18,34,56

BAKA (OX)

Dalawang direksyon ang pag-iisipan mo ngayong tahakin. Bago ka magpasya ay siguraduhin mo muna na alam mo ang bawat detalye ng iyong pupuntahan upang hindi ka maligaw at hindi ka mapahamak dahil sa mali mong pagpili.

Masuwerteng numero; 10,23,35,40

TIGRE (TIGER)

Magiging masaya ang araw mo dahil sa isang tao na likas ang pagiging komedyante. Mapapatawa ka niya kahit ayaw mong tumawa at mapapasaya ka niya kahit nalulungkot ka. Sa araw na ito ay matutulog ka nang may ngiti sa labi.

Masuwerteng numero; 8,32,41,60

KUNEHO (RABBIT)

Wala kang mapapala sa pagbuntot mo sa isang tao na sa una pa lang ay alam mo namang walang pakialam sa’yo. Mas makakabuti kung bibigyan mo ng atensyon ang ilang parte ng iyong trabaho na hindi mo pa gamay.

Masuwerteng numero; 19,24,37,40

DRAGON (DRAGON)

Magiging mabigat para sa’yo ang problemang kakaharapin mo dahil sosolohin mo lamang ito. Mas makakabuti kung matututo kang ibahagi ito sa taong pinagkakatiwalaan mo at tatanggapin ang anumang tulong na maibibigay niya.

Masuwerteng numero; 39,54,66,76

AHAS (SNAKE)

May kapalit ang lahat ng iyong pagtitiyaga at pagsisikap. Iwasan mong isisi sa iba ang sitwasyon mo ngayon. Magpokus ka na lang kung paano mo mababago ang iyong buhay nang walang ibang taong dinadamay.

Masuwerteng numero; 1,3,5,7

KABAYO (HORSE)

Isang problema ang matutuldukan ngayong araw na ito. Dapat mo itong ikatuwa at ipagpasalamat sa Diyos. Huwag mong kakalimutan ang mga aral na napulot mula sa iyong mga pinagdaanan nang sa gayon ay hindi ka na masyadong mahirapan sa susunod.

Masuwerteng numero; 18,30,42,50

TUPA (SHEEP)

Isang kaibigan ang makakasama mo ngayon at makakabonding. Magiging masaya ang buong maghapon mo kasama siya. Dahil dito ay may mga makakaligtaan kang gawin na importanteng bagay at may kinalaman ito sa iyong trabaho.

Masuwerteng numero; 25,26,33,41

UNGGOY (MONKEY)

Makakaramdam ka ng pagkabugnot sa loob ng bahay kaya naman maghahanap ka ng kaibigan o kamag-anak na maaari mong makasama para lumabas at maglibang. Pero wala isa man sa iyong inaasahan ang available sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 15,39,56,64

TANDANG (ROOSTER)

Isang komprontasyon ang magaganap sa pagitan nyo ng kasamahan mo sa trabaho. Maliit na bagay lang ang pagmumulan nito na palalalain lamang ng mga nakapaligid sa inyo. Hindi makakatulong ang pakikinig sa maraming bibig.

Masuwerteng numero; 47,58,59,74

ASO (DOG)

May taglay kang suwerte ngayon sa negosyo. Kahit pa negatibo ang mga maging customers mo ay magagawa itong labanan at pangibabawan ng taglay mong kapositibuhan sa araw na ito kaya dapat kang magrelax.

Masuwerteng numero; 37,44,65,71

BABOY (PIG)

Maging maingat sa mga bibitawang salita sa iyong karelasyon. Sa araw na ito ay hindi magiging maganda ang kanyang mood kaya papatol sya sa maliit na pagkakamali mang masabi o magawa mo. Maging maunawain na lang muna at magpasensya.

Masuwerteng numero; 14,25,26,33

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here