Chinese Horoscope; Setyembre 17

333

DAGA (RAT)

Ang maganda mong plano para sa iyong trabaho ay maisasakatuparan mo na rin ngayon sa wakas. Maganda ang kalalabasan nito dahil pinag-isipan at hindi minadali. Pinagbuhusan mo rin ng effort at pagmamahal.

Masuwerteng numero; 8,16,20,29

BAKA (OX)

Magiging palaisipan sa’yo ang ikikilos ng isang miyembro ng pamilya. Maninibago ka sa kanyang mga gawi kaya aalamin mo kung meron ba siyang iniindang problema. Hindi mo siya hahayaan na mag-isang dalhin ito kung sakali.

Masuwerteng numero; 45,56,62,63

TIGRE (TIGER)

Magiging epektibo kang tagapayo sa isang kaibigan na namomroblema. Ang mga payo mo ang pipiliin niyang pakinggan at ito ang kanyang susundin. Malaki ang maitutulong nito para maibsan ang mga dalahin niya sa dibdib.

Masuwerteng numero; 16,19,20,21

KUNEHO (RABBIT)

Mag-ingat sa mga taong nakakahalubilo na hindi mo kilala. Malaki ang posibilidad na isa sa kanila ang may balis at hindi man sadya’y maaari kang matablan nito kaya maging maingat at iwasang tumingin ng matagal sa mata ng hindi kilala.

Masuwerteng numero; 35,40,46,59

DRAGON (DRAGON)

Masusubukan sa araw na ito ang talas ng iyong pag-iisip sa pagresolba ng isang biglaang problema. Dahil sa bilis ng iyong isip ay magagawan mo ito ng paraan kaya naman hahangaan ka ng iyong mga kasamahan at pasasalamatan. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 20,30,42,45

AHAS (SNAKE)

Mapipilitan kang ibenta ang isang mahalagang bagay na matagal mong iningatan dala ng labis na kagipitan. Wala kang ibang mapagpipilian sa ngayon kaya kahit masakit para sa’yo ay bibitawan mo na ito.

Masuwerteng numero; 24,27,33,35

KABAYO (HORSE)

Ikaw ang magsisilbing mata at teynga ng iyong boss sa mga nangyayari sa loob ng inyong kumpanya. Marami kasing usap-usapan ngayon na hindi niya nagugustuhan at gusto niyang alamin mo ang katotohanan tungkol dito.

Masuwerteng numero; 11,13,15,17

TUPA (SHEEP)

Maba-bad trip ka lang pero wala ka namang magagawa sa iyong kapitbahay. Alam mo na malakas ang kapit niya sa mga may katungkulan sa inyong lugar kaya mas pipiliin mo na lang ang manahimik kaysa kumontra. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 67,69,70,74

UNGGOY (MONKEY)

Mabilis mo lang na matatapos ang mga gawaing bahay ngayong araw dahil may makakatulong ka na hindi mo inaasahan. Kaya naman magkakaroon ka pa ng libreng oras para sa iba pang mahalagang bagay.

Masuwerteng numero; 18,19,39,40

TANDANG (ROOSTER)

May suwerteng hatid ang araw na ito para sa’yo kung numero ang pag-uusapan. Kung hindi ka palataya sa mga may numerong laro ay maaari kang sumubok ngayong araw dahil malaki ang posibilidad mong manalo.

Masuwerteng numero; 50,51,53,68

ASO (DOG)

Huwag mong hayaan na maging negatibo ang dating mo sa ibang tao dahil lamang sa maling sabi-sabi. Patunayan mo sa kanila na mali ang kanilang mga naririnig at nababalitaan tungkol sa iyong tunay na pagkatao.

Masuwerteng numero; 9,10,20,22

BABOY (PIG)

Darating na ang suwerteng hinihintay mo na magmumula sa malayo kaya ihanda mo na ang sarili sa pagtanggap nito. Maging bukas palad ka rin sa mga nangangailangan na lalapit sa’yo para maambunan ng biyayang ito.

Masuwerteng numero; 2,3,4,5

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here