Chinese Horoscope; Setyembre 17

0
533

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

May mga magsasabi sa’yo na mali ka pero hindi mo kailangang magpaapekto kung alam mo naman na nasa tama ka. Mas makakabuti kung makikinig ka sa iyong pamilya kaysa sa mga tao na gusto lang makisawsaw.

Masuwerteng numero; 11,15,25,34

BAKA (OX)

Kahit anong hadlang ay mananatili ka sa stand mo tungkol sa isang mahalagang usapin sa inyong pamilya. Matibay ang iyong paninindigan na magagamit mo rin ito sa hinaharap bilang sandata sa mga pagsubok.

Masuwerteng numero; 6,20,47,49

TIGER (TIGER)

Gaano man kagulo ang relasyon nyo ngayon ay magiging maayos din ito. Kahit pa marami ang gustong sirain kayo dahil sa inggit, at the end of the day ay kayo pa ring dalawa ang magkakasama at wala silang magagawa.

Masuwerteng numero; 6,11,13,27

KUNEHO (RABBIT)

Magiging maganda ang takbo ng negosyo mo sa ngayon dahil inspirado ka at magpapatuloy ito ng ilang araw. Ipagpatuloy mo lang din ang pag-iwas sa mga negatibong tao dahil hindi ito makakatulong sa’yo sa halip ay makakagulo lamang.

Masuwerteng numero; 8,26,30,31

DRAGON (DRAGON)

Makikipagpatintero ka sa iyong boss dahil sa isang mahalagang proyekto. Hindi mo ito gugustuhing mapunta sa iba kaya naman gagawin mo ang lahat para manatili ito sa’yo dahil matagal mo rin itong hinintay.

Masuwerteng numero; 26,30,54,56

AHAS (SNAKE)

Makakaramdam ka ng pananakit ng katawan dahil sa pag-abuso mo sa iyong sariling lakas. Hindi makakabuti para sa’yo ang pagsasamantala sa iyong kakayahan dahil ikaw din ang mapapahamak sa huli.

Masuwerteng numero; 10,27,39,40

KABAYO (HORSE)

Magtatagumpay ang iyong mga plano pero hindi pa ngayong araw na ito. May mga bagay ka pang kailangang repasuhin. Hindi pa sapat ang iyong nalalaman kaya kakailanganin mo pang magdagdag ng effort.

Masuwerteng numero; 4,13,55,60

TUPA (SHEEP)

Isang kaibigan mula sa malayo ang magpapakita sa’yo para humingi ng tulong. Sa kabila ng kagustuhan mong makatulong ay hindi mo magagawa dahil ikaw din mismo ay nangangailangan ng tulong kaya makakaramdam ka ng lungkot.

Masuwerteng numero; 18,20,29,50

UNGGOY (MONKEY)

Isang lihim ang iyon g matutuklasan na labis mong ikakalungkot. Pero natuto ka na mula sa nakaraan kaya naman sa halip na magmukmok ay ibabaling mo na lang sa trabaho ang iyong oras at pilit kakalimutan ang iyong nalaman.

Masuwerteng numero; 6,12,28,30

TANDANG (ROOSTER)

Magiging mahirap para sa’yo na tanggapin ang sitwasyon mo ngayon. Sa tingin mo ay hindi mo ito deserve dahil wala ka namang inagrabyadong tao. Makakaramdam ka ng depression sa kabila ng presensya ng mga nakaalalay sa’yo.

Masuwerteng numero; 19,36,41,42

ASO (DOG)

Hindi mo matitiis ang iyong mahal. Kahit pa alam mo na siya ang nagkamali ay ikaw pa rin ang unang susuko . Hindi masamang maging mapagpakumbaba subalit kung minsan nagiging dahilan din ito para umabuso ang iba.

Masuwerteng numero; 8,14,25,37

BABOY (PIG)

Hindi mo mauunawaan ang isang bagay kung hindi mo ito bibigyan ng panahon para intindihin. Naghihintay lang siya ng oras at atensyon mo para ipaliwanag sa’yo ang hindi mo maintindihan. Mas makakabuti kung pagbibigyan mo siya.

Masuwerteng numero; 20,32,57,68

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here