Chinese Horoscope; Setyembre 16

0
447

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Maganda ang araw na ito para sa’yo. Kahit na anong mapili mong gawin ngayon ay may taglay kang suwerte. Hindi ka mabibigo. Kaya’t samantalahin mo at namnamin ang araw na ito na kakasihan ka ng magandang kapalaran.

Masuwerteng numero; 10,13,28,30

BAKA (OX)

Iwasan mo ang magpabago-bago ng isip sa gagawing pagdedesisyon. Hindi lamang ito mahalaga para sa’yo kundi maging sa iyong mga ka-grupo kaya’t sikapin mo na magkaroon ka ng isang matibay na pagpapasya.

Masuwerteng numero; 8,18,20,31

TIGRE (TIGER)

Makakaramdam ka ng pagtatampo sa iyong mahal pero pipiliin mo na itago ito kaysa sabihin sa kanya. Hindi mo gusto ang komprontasyon kaya’t sa halip na i-open sa kanya ang sama ng loob mo ay kikimkimin mo na lang ito.

Masuwerteng numero; 1,12,25,56

KUNEHO (RABBIT)

Maiipit ka ngayon sa sitwasyon na mahihirapan kang labasan. Kakailanganin mo ang tulong ng iyong pamilya para ikaw ay maligtas sa gusot na hindi mo ginusto. Matutong magpakumbaba upang hindi mapahamak.

Masuwerteng numero; 19,33,40,43

DRAGON (DRAGON)

Hindi mo maiiwasan na hindi mahulog sa isang tao. Ikaw mismo ang nagbibigay ng permiso sa sarili mo na maging malapit sa kanya kaya huwag kang magtaka kung mangyari ang isang kumplikadong bagay na magpapasakit sa ulo mo.

Masuwerteng numero; 17,45,63,68

AHAS (SNAKE)

Makakaramdam ka ng selos sa isang kaibigan dahil sa pagiging malapit niya sa iyong karelasyon. Hindi mo maiiwasan na mag-isip ng masama kapag nakikita mo ang closeness nila sa harapan mo mismo kaya’t sasakit ang loob mo.

Masuwerteng numero; 21,24,55,58

KABAYO (HORSE)

Ang isang tao na matagal mo nang hindi nakikita ay makikita mo ngayon sa isang hindi inaasahang lugar at pagkakataon. Dahil hindi mo ito inaasahan kaya malilito ka kung ano ang dapat mong sabihin at maging aksyon.

Masuwerteng numero; 43,57,67,70

TUPA (SHEEP)

Magiging mailap sa’yo ang suwerte sa araw na ito. Ang mga nais mong mangyari ay hindi pa magkakaroon ng katuparan sa ngayon. Kakailanganin mo pang maghintay muli ng ilang araw para sa kaganapan nito.

Masuwerteng numero; 8,17,32,59

UNGGOY (MONKEY)

Likas ang kabutihan sa puso mo kaya naman hindi ka makakayang painan ng mga taong hindi pa buo ang tiwala sa’yo. Hindi ka nila magagawang silawin sa konting pera o kahit malaki pa, dahil mas mahalaga sa’yo ang reputasyon mo.

Masuwerteng numero; 1,13,14,25

TANDANG (ROOSTER)

Isang bagong tagahanga ang magpipilit na mapalapit sa’yo kahit ikaw pa ay hindi na malaya. Marupok ka sa mga ganitong uri ng tukso lalo na kung ang taong ito ay lihim mo ring hinahangaan. Mas makakabuti pa rin ang umiwas.

Masuwerteng numero; 16,30,29,40

ASO (DOG)

Wala sa ibang bansa ang kapalaran mo. Huwag mong pilitin ang tadhana mo na umayon sa iyong kagustuhan dahil ikapapahamak mo lang ito. Nasa sarili mong bayan ang kapalaran na tunay na makapagpapaligaya sa’yo.

Masuwerteng numero; 15,22,26,50

BABOY (PIG)

Maging mapagmatyag sa mga taong nakakasalamuha mo. Hindi lahat ay may mabuting intensyon sa’yo lalo na yung palaging nakangiti sa’yo. Huwag masyadong ilapit ang sarili samga taong hindi pa lubusang kilala.

Masuwerteng numero; 39,52,65,76

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here