Chinese Horoscope; Setyembre 16

329

DAGA (RAT)

Hindi mo maaalintana ang pagiging mailap ng suwerte sa’yo ngayon dahil makukuntento ka na nasa piling mo ang mga taong mahalaga sa’yo. Ang kumpletong pamilya ay sapat na para maging kumpleto ang araw mo.

Masuwerteng numero; 26,27,30,35

BAKA (OX)

May bago kang matutuklasan na isang libangan na pwede mong pagkakitaan. Dahil dito ay makakalimutan mo ang mga alalahanin mo sa mga stress dulot ng kinakaharap na problema. Dito ka magiging abala.

Masuweteng numero; 20,30,45,46

TIGRE (TIGER)

Huwag mo ng ipilit ang isang bagay na alam mo namang hindi pwede. Kung ipagpipilitan mo pa rin ay magiging hilaw lamang ito at hindi mo rin mapapakinabangan ng gaya sa inaasahan mong magiging kapakinabangan nito.

Masuwerteng numero; 7,35,38,39

KUNEHO (RABBIT)

May masasabi kang hindi tama sa isang kaibigan. Huwag mo ng hintayin na iparamdam pa niya sa’yo ang sama ng loob niya. Ngayon pa lang ay unahan mo na siya at humingi ka na agad ng dispensa upang hindi na ito lumala.

Masuwerteng numero; 6,16,20,21

DRAGON (DRAGON)

Ibang klaseng kasiyahan ang mararamdaman mo ngayon na maibibigay mo na rin sa wakas ang pangangailangan ng iyong anak na matagal na rin niyang hinihiling sa’yo. Labis mo itong ipagpapasalamat sa Diyos.

Masuwerteng numero; 18,19,30,35

AHAS (SNAKE)

Huwag magpadala sa takot na subukan ang isang bagay na matagal mo ng gustong subukan. Kung hindi mo ito gagawin ay habambuhay na lang ito na magiging katanungan sa isip mo. Dagdagan pa ang lakas ng loob.

Masuwerteng numero; 10,11,13,15

KABAYO (HORSE)

Huwag balewalain ang hinaing ng isang malapit na kaibigan. Dumadaan siya ngayon sa depression at sa lahat ng kanyang mga kaibigan ay ikaw lang ang kanyang masasandalan at magsisilbing tagapayo na kailangang kailangan niya ngayon.

Masuwerteng numero; 50,52,60,67

TUPA (SHEEP)

Ipagpatuloy mo lang ang pagsisipag at pagsisikap mo sa trabaho kahit na nahihirapan ka na. Hindi mababalewala ang iyong mga sakripisyo dahil ito ay masusuklian ng hindi mo inaasahang biyaya sa hinaharap.

Mauswerteng numero; 43,45,48,49

UNGGOY (MONKEY)

Iwasan ang ugaling patumpik tumpik. Ito ang magiging problema mo kaya mauungusan ka ng iba. Nasa sa’yo ang lakas ng loob, ang talento at ang pagkakataon na iangat ang iyong sarili kaya huwag mo itong sayangin.

Masuwerteng numero; 20,30,33,34

TANDANG (ROOSTER)

Matutong maghintay ng tamang pagkakataon para gawin ang isang mahalagang bagay. Kailangan mo ring talasan ang iyong pakiramdam kung maaari ka ng sumabak rito. Dapat ay makuha mo ang perfect timing.

Masuwerteng numero; 15,17,20,22

ASO (DOG)

Isang unos na naman ang paparating sa buhay mo. Subalit huwag kang masyadong mag-alala, hindi tulad ng mga unos na pinagdaanan mo na mag-isa mong hinarap, sa pagkakataong ito ay may makakatuwang ka na.

Masuwerteng numero; 26,30,34,50

BABOY (PIG)

May suwerteng darating para sa’yo sa araw na ito sa katauhan ng isang tao. Malaki ang maitutulong niya sa iyong kasalukuyang negosyo kaya’t pakinggang mabuti ang lahat ng kanyang mga sasabihin tungkol dito.

Masuwerteng numero; 70,71,73,80

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here