Chinese Horoscope; Setyembre 15

0
563

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Hindi ka magdadalawang salita sa taong naiisip mong lapitan. Kahit pa sa tingin mo ay mabibigo ka sa kanya dahil nabigo rin siya sa minsan niyang paglapit sa’yo. Ang totoo ay marunong siyang umunawa at marunong din siyang kumapa tulad mo.

Masuwerteng numero; 16,22,36,40

BAKA (OX)

Bago ka magdesisyon ay may mga bagay kang kailangang isaalang-alang. Hindi lang isang tao ang dapat mong pakinggan. Lalo na at wala naman siyang kinalaman sa isyu. Mas makakabuti kung pakikinggan din ang sarili.

Masuwerteng numero; 8,13,46,48

TIGRE (TIGER)

Kung gusto mo na talagang mapabuti ang iyong kalusugan ay kailangan mo munang disiplinahin ang iyong sarili sa pagkain. Ito ang unang dapat mong gawin. Bantayan mo ang mga pagkaing ipinapasok mo sa iyong katawan.

Masuwerteng numero; 29,34,35,50

KUNEHO (RABBIT)

Magkakaroon kayo ng konting problema ng iyong karelasyon. May kinalaman ito sa isang bagay na matagal nyo nang pinagtatalunan. Kung hindi nyo pa ito masosolusyunan ngayong araw ay asahan mo na ang paglala pa nito.

Masuwerteng numero; 27,31,43,44

DRAGON (DRAGON)

Kung ayaw mo nang maramdaman pa ang sakit ay ikaw na ang umiwas sa mga taong nagdudulot nito sa’yo. Nabuhay ka noon ng masaya kahit wala sila kaya kakayanin mo pa rin ngayon at mas magiging masaya ka pa sa dami ng blessings na matatanggap mo.

Masuwerteng numero; 6,17,20,58

AHAS (SNAKE)

Huwag mong asahan na ipagtatanggol ka ng tao na sa una pa lang ay hindi na ganoon ka-close sa’yo. Sa kabila ng marami niyang naitulong sa usaping pera ay alam mo sa sarili mo na hindi ka pa rin komportable sa kanya.

Masuwerteng numero; 12,30,50,66

KABAYO (HORSE)

Kahit kalaban ang tingin mo sa kanya ay masuwerte ka dahil mali ka sa iyong mga akala. Tunay siyang kaibigan sa’yo kaya’t iwasan mo ang makinig sa mga sinasabi ng iba . Sisirain nito ang magandang pagkakaibigan nyo.

Masuwerteng numero; 7,16,20,29

TUPA (SHEEP)

Madaling sabihin, mahirap gawin, iyan ang kasabihang mapapatunayan mo ngayon. Kapag ikaw kasi ang nagsasalita ay parang madali lang ang lahat pero ngayon na gagawin mo na ay siguradong mahihirapan ka.

Masuwerteng numero; 5,25,35,43

UNGGOY (MONKEY)

Sa sobrang dami ng plano na tumatakbo sa isip mo ay malilito ka na kung alin sa mga ito ang dapat mong unahin at dapat mong bigyan ng prayoridad. Maghinay hinay muna at pag-isipang mabuti ang bawat detalye.

Masuwerteng numero; 9,19,60,67

TANDANG (ROOSTER)

Hindi ka dapat malungkot kung may mga kaibigan ka mang plastic. Ang mahalaga ay totoo ka sa kanila dahil anuman ang ipakita nila sa’yo sa harapan mo man o sa likuran ay sila ang magdadala at hindi ikaw. Sarili lang din nila ang niloloko nila.

Masuwerteng numero; 8,19,46,57

ASO (DOG)  

Isang kamag-anak mo ang magkakasakit at posibleng ma-confine. Sa mga ganitong pagkakataon ay makikita mo kung sinu-sino sa inyong pamilya ang palaging bukas ang palad upang tumulong. Labis ang iyong magiging pag-aalala.

Masuwerteng numero; 4,11,38,49

BABOY (PIG)

Maaliwalas ang araw mo ngayon kahit nag-iisa ka lang. Magiging abala ka sa pagtatapos mo ng iyong proyekto at sobrang magiging magaan ang pakiramdam mo sa matatapos mo dahil sa wakas ay magkakaroon ka pa ng oras para makapagrelax bago lumubog ang araw.

Masuwerteng numero; 12,52,54,76

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here