Chinese Horoscope; Setyembre 14

0
383

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Bibilis ang tibok ng iyong puso dahil sa malalaman mo. Isang lihim na pagtingin sa’yo ng taong lihim mo ring hinahangaan ang mabubunyag. Kaya naman buong araw na para kang nakalutang sa ulap. Kapag masaya ka ay masaya rin ang mga tao sa paligid mo para sa’yo.

Masuwerteng numero; 2,3,4,8

BAKA (OX)

Hindi madali sa’yo ang magpatawad. Pero kailangan mo itong gawin alang-alang sa minamahal. Bagamat nananatili sa isip mo ang mga ginawang kasalanan sa’yo ay kailangan mong sikapin na isantabi ito para na lang sa kapayapaan ng isip na hinahangad mo.

Masuwerteng numero; 1,7,9,11

TIGRE (TIGER)

Huwag mong masyadong ipag-alala ang mga bagay na hindi umaayon sa kagustuhan mo. Darating din ang magandang pagkakataon para sa’yo. Ngayong araw ay pilitin mo na lang ngumiti kahit nahihirapan kang gawin ito.

Masuwerteng numero; 6,8,10, 14

KUNEHO (RABBIT)

Ito ang araw na wala kang gugustuhing gawin kundi humilata. Masyado kang napagod nitong mga nagdaang araw kaya deserve mo ang magpahinga. Alisin mo muna sa isip ang mga susunod pang hakbang para sa trabaho.

Masuwerteng numero; 1,10,11,19

DRAGON (DRAGON)

Mailap pa sa’yo ang suwerte ngayon. Pero huwag kang mag-alala, hindi ka rin naman lapitin ng malas . Balanse lang ang positibo at negatibo. Huwag ka lang mapapagod at susuko. Kung gagawin mo ito, lalong magiging mailap ang suwerte.

Masuwerteng numero; 8,9,15,17

AHAS (SNAKE)

Masyado kang magiging kampante. Hindi ito maganda para sa’yo. Kailangan mong masiguro na stable na ang kalagayan mo bago ka pumasok sa isa na namang gulo. Iwasan mo ang magdidikit sa mga taong sulsol sa paligid mo.

Masuwerteng numero; 1,2,3,6

KABAYO (HORSE)

Magrerelax ka kasama ang ilang kaibigan. Pero hindi ka rin mapapakali dahil alam mo na sa mga susunod na araw ay matatambakan ka ng trabaho na hindi mo natapos noong nakaraang linggo. Oo nga’t sanay ka sa rush hour, pero magdudulot ito ng problema sa’yo sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 5,8,9,16

TUPA (SHEEP)

Hindi mo paniniwalaan ang sasabihin ng isang kaibigan at hindi mo rin pakikinggan ang kanyang payo. Kaya huwag kang magtaka kung sa oras na magkamali ka ay wala siya sa tabi mo. Maging alerto ka na lang sa susunod.

Masuwerteng numero; 2,6,9,12

UNGGOY (MONKEY)

Masuwerte ang araw na’to para sa’yo. Papabor sa’yo ang kapalaran. Mangyayari ang gusto mo. Huwag ka lang aabuso dahil baka bawiin ang magagandang bagay na inilaan sa’yo. Dapat ay maging positibo ka lang at iimprove pa ang sarili mo.

Masuwerteng numero; 3,4,8,9

TANDANG (ROOSTER)

Pagdududahan ka ng taong pinagkakatiwalaan mo. Dahil ito sa mga naririnig niya mula sa iba. Pero huwag kang magalit sa kanya dahil sa huli ay ikaw rin ang pipiliin niyang paniwalaan. Ikaw ang mahal niya kaya mas maniniwala siya sa’yo.

Masuwerteng numero; 5,8,14,18

ASO (DOG)

Suwerte ang araw na ito para sa negosyo. Samantalahin mo habang mainit pa sa mga customers ang paninda mo. Panatilihin mo lang ang good vibes kahit pa may mangilan ngilang pasaway na aaligid sa’yo. Huwag kang magpaapekto para hindi mawala ang suwerte mo.

Masuwerteng numero; 2,3,7,9

BABOY (PIG)

Subukan mong maging mahinahon. Kung magpapadala ka sa init ng ulo ay papangit lang ang araw mo. Lumabas ka kasama ang mga kaibigan at magsaya. Makikita mo rin ang isang kakilala na matagal mo ng hinahanap.

Masuwerteng numero; 7,9,13,15

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here