DAGA (RAT)
Maiipit ka sa isang diskusyon. Ikaw ang magpapasimula nito kaya ikaw rin dapat ang tatapos. Mangingibabaw sa’yo ang kagustuhan mo na maintindihan nila at sang-ayunan ang iyong sariling opinyon.
Masuwerteng numero; 36,39,42,43
BAKA (OX)
Isang pangyayari ngayong araw na ito ang magpapabalik ng tiwala mo sa iyong mahal. Kaya naman pansamantala mong malilimutan ang kanyang mga pagkukulang at nagawang pagkakamali dahil na rin dito.
Masuwerteng numero; 32,36,39,51
TIGRE (TIGER)
Magkakaroon ka ng pagkakataon na ipakita sa iyong mga magulang ang pagbabago na ipinagmamalaki mo. Ikatutuwa nila ito ng labis. Dahil dito ay agad nilang mapagbibigyan ang iyong kahilingan kahit pa may kamahalan.
Masuwerteng numero; 21,22,24,27
KUNEHO (RABBIT)
Ito na ang oras at tamang panahon para sukuan mo ang isang relasyon. Wala naman itong mabuting naidulot sa’yong nakaraan at buting maidudulot sa iyong hinaharap kaya dapat ka nang magpasya sa araw na ito.
Masuwerteng numero; 11,19,26,30
DRAGON (DRAGON)
Kahit na anong gawin mong pagtitipid ay mananatili kang gipit. Hindi pa rin sasapat ang perang pumapasok sa’yo para sa lahat ng iyong gastusin kung kaya naman kakailanganin mo talagang maghanap ng sideline.
Masuwerteng numero; 1,3,5,7
AHAS (SNAKE)
Ikaw ang makakapagsabi kung tunay ang ipinapakita sa’yo ng isang kaibigan. Paniwalaan mo ang iyong kutob dahil tutulungan ka nito na mapatunayan ang fake sa totoo. Huwag magdadalawang isip na gawin ang tama.
Masuwerteng numero; 40,50,53,58
KABAYO (HORSE)
Isang oportunidad ang darating na magmumula sa kumpanyang pinapasukan. Magkakaroon ka ng pag-aalinlangan na tanggapin ito dahil iniisip mo sa sariling hindi ka pa handa. Pero kahit anong gawin mo, ito’y laan sa’yo.
Masuwerteng numero; 14,16,25,29
TUPA (SHEEP)
Ang mga katanungang gumugulo sa iyong isipan ay magkakaroon na ng kasagutan ngayon. Ang sagot ay mahahanap mo sa isang dating kaibigan na hindi sinasadyang makakatagpo mo sa isang mahalagang pagtitipon.
Masuwerteng numero; 10,12,20,23
UNGGOY (MONKEY)
Malilito ka sa dami ng gawaing nakaatang sa balikat mo ngayon. Gayunpaman ay hindi mo magagawang magreklamo dahil ang bawat gawaing ito ay itinuturing mo na blessing sa trabaho kaya magpapatangay ka na lang sa agos.
Masuwerteng numero; 66,68,70,71
TANDANG (ROOSTER)
May mararamdaman kang hindi tama sa iyong kalusugan. Mas makakabuti kung magpapatingin sa doktor upang hindi na lumala pa ang nararamdaman. Hindi kailangan na pairalin ang katigasan ng iyong ulo.
Masuwerteng numero; 4,11,13,20
ASO (DOG)
Mapapahiya ka sa iniisip mo sa iyong karelasyon. Sa araw na ito ay mapapatunayan mo na walang katotohanan ang mga ibinibintang mo sa kanya bunsod ng iyong pagseselos. Kakainin mo lahat ng iyong sinabi.
Masuwerteng numero; 24,27,31,33
BABOY (PIG)
Hindi pa ito ang araw para suwertehin ka sa paghahanap ng bagong trabaho. Magiging mailap pa rin ito sa’yo tulad nung mga nakaraang araw. Kakailanganin mo lang ipagpatuloy ang iyong tiyaga at pagsisikap sa paghahanap.
Masuwerteng numero; 52,54,65,78