Chinese Horoscope Pebrero 28, 2021

736

DAGA (RAT)

Makakaramdam ng hindi maganda sa katawan. Kung nais magpahinga ay huwag pigilan ang sarili. Mababalewala ang mga pinaghihirapan mo sa ngayon kung ipagpapatuloy mo ang pag-abuso sa iyong katawan.

Masuwerteng numero; 11,23,43,56

BAKA (OX)

Magiging matamlay ka sa buong maghapon dahil sa kalungkutang mararamdaman na may kinalaman sa iyong buhay pag-ibig. Makakatulong ang pag-abala sa sarili sa ibang bagay o sa pakikinig ng masasayang musika.

Masuwerteng numero; 10,28,33,65

TIGRE (TIGER)

Huwag madaliin ang isang proyekto. Hindi magiging maganda ang resulta nito. Hayaan mo na magbahagi ng kanilang mga ideya ang bawat miyembro dahil malaki ang maitutulong nila para sa ikagaganda ng inyong proyekto.

Masuwerteng numero; 1,3,14,25

KUNEHO (RABBIT)

Iwasan munang maglakbay ng malayo. May nakaambang panganib. Malaki ang posibilidad na makasalubong ang disgrasya o isang aksidente. Hangga’t maaari ay manatili sa bahay kung walang importanteng lakad.

Masuwerteng numero; 4,7,8,19

DRAGON (DRAGON)

Mahalaga ang bawat oras na lilipas ngayon. Siguraduhin na available ka at hindi magpapakaabala sa mga bagay na hindi importante. Sikapin na matugunan ang obligasyon sa trabaho at sa pamilya kaysa sa social media.

Masuwerteng numero; 15,24,38,39

AHAS (SNAKE)

Hindi magiging madali ang prosesong pagdaraanan na may kinalaman sa isang dokumento. May mga butas na susulpot at kakailanganin mo itong matapalan agad upang hindi na maging kumplikado pa at madagdagan ang problema.

Masuwerteng numero; 14,30,42,56

KABAYO (HORSE)

Walang magiging basehan ang iyong pagseselos. Nananatili siyang tapat sa’yo. Sadyang hindi maiiwasan ang mga pagkakataon na kailangan din niyang magbigay ng atensyon sa iba lalo na at may kinalaman sa trabaho.

Masuwerteng numero; 6,15,44,67

TUPA (SHEEP)

Ikaw ang mapagbubuntunan ng galit ng isang kapamilya dahil sa kagagawan ng isa pang miyembro ng inyong pamilya. Huwag itong ipagdamdam dahil sa huli ay mare-realize din niya na hindi ikaw ang may kasalanan.

Masuwerteng numero; 8,19,25,30

UNGGOY (MONKEY)

Mahihirapan kang pakisamahan ang isa sa mga kamag-anak ng iyong karelasyon. Para sa’yo, mahirap ispelengin ang ugali niya. Subalit kung makikilala mo siyang mabuti ay mababatid mo na mas mabuti pa ang kanyang ugali kaysa sa iba.

Masuwerteng numero; 7,13,52,70

TANDANG (ROOSTER)

Maiipit ka sa sitwasyon kung saan ang iyong mga kaibigan ay magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Pero sa ayaw mo at sa gusto ikaw lang ang pwedeng maging daan para magkasundo sila sa mga darating na araw.

Masuwerteng numero; 14,25,54,58

ASO (DOG)

Hindi man kagandahan ang araw na ito para sa’yo ay mananatili ka namang kalmado. Mas pipiliin mo na maging positibo kahit pa sa gitna ng hindi maayos na sitwasyon. Tama ang iyong gagawing desisyon na makinig sa sarili at hindi sa iba.

Masuwerteng numero; 17,20,35,39

BABOY (PIG)

Isang lihim na tagahanga ang makakausap mo ngayon sa pamamagitan ng internet. Magiging maganda ang araw niya dahil sa’yo. Panatilihin ang pagiging humble kahit pa kinukutuban ka na sa damdamin niya para sa’yo.

Masuwerteng numero; 4,16,27,38

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here