Chinese Horoscope; Pebrero 27

0
264

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Ang lahat ay aayon sa iyong mga plano. Mula sa mababa hanggang sa mataas na posisyon ay walang kokotra dito. Kaya naman ikakatuwa mo ito dahil maging ang tadhana ay aayon sa mga nabuo mong plano.

Masuwerteng numero; 6,8,9,12

BAKA (OX)

Ikaw ang magiging sandalan ngayon ng isang kaibigan na problemado sa pag-ibig. Kakailanganin niya ang iyong mga payo at magiging malaking bagay sa kanya ang iyong taos pusong pakikinig sa kanyang mga hinaing.

Masuwerteng numero; 11,20,26,27

TIGRE (TIGER)

Malalaman mo na rin ang dahilan kung bakit ka niya iniiwasan. Maguguluhan ka kung dapat mo ba itong ikatuwa o dapat mong ikabahala. Mas makakabuti kung mananahimik ka na lang muna at hindi gagawa ng anumang aksyon.

Masuwerteng numero; 8,19,23,25

KUNEHO (RABBIT)

Wala kang magagawa kundi tanggapin ang gagawing pagdedesisyon ng nakakatanda sa inyong pamilya. Dapat mong maintindihan na mas marami siyang nalalaman kaysa sa’yo at mas higit na malawak ang kanyang karanasan.

Masuwerteng numero; 15,18,19,20

DRAGON (DRAGON)

Wala kang dapat ipag-alala dahil hindi ka madedehado sa trabaho. Marami ang nagtitiwala at magtitiwala pa sa iyong kakayahan. Kaya sige lang, gawin mo kung ano ang alam mong tama para sa ikakabuti ng iyong trabaho. Hindi rin masama ang magtanong kung meron kang nais malaman.

Masuwerteng numero; 1,3,12,22

AHAS (SNAKE)

Hindi maiiwasan sa pamilya na paminsan minsan ay magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Ngayong araw ay isang kamag-anak ang makakatampuhan mo dahil sa isang bagay na may kinalaman sa inyong mga anak.

Masuwerteng numero; 10,11,20,30

KABAYO (HORSE)

Nag-eenjoy ka ng husto sa trabahong napili mo kaya naman hindi mo mapapansin na masyado ka na pa lang nagiging abala dito. Ito ang dahilan kung kaya naman may mga importanteng bagay kang malilimutan na labas sa iyong trabaho.

Masuwerteng numero; 3,14,25,26

TUPA (SHEEP)

May mga bagay kang nais mangyari sa araw na ito. Mga bagay na may kinalaman sa ilang pagbabago na gusto mong maganap sa iyong buhay. Kailangan mo lang dagdagan ang iyong determinasyon at mangyayari ito.

Masuwerteng numero; 6,17,19,29

UNGGOY (MONKEY)

Marami ang magbibigay ng suhestiyon at opinyon para sa gagawin mong pagdedesisyon tungkol sa isang mahalagang bagay. Pero wala kang balak na iasa sa iba ang iyong pagpapasya kahit na ikataas pa ito ng kilay ng iba.

Masuwerteng numero; 12,13,24,26

TANDANG (ROOSTER)

Isang bagong oportunidad ang kakatok sa iyong pintuan. Pero dahil sa dami ng nakaharang na negatrons sa iyong paligid at dahil na rin sa magulo mong isip ay hindi mo agad matatanggap ang oportunidad na ito.

Masuwerteng numero;1,2,10,28

ASO (DOG)

Masyado kang naging abala sa iba’t-ibang bagay kaya naman parang bulang naglaho ang hilig mo sa sports. Pero dahil sa isang tao na biglaan mong magiging inspirasyon ay babalik ang sigla mo sa sport na dati mo ng kinahiligan.

Masuwerteng numero; 5,7,11,22

BABOY (PIG)

Hindi mo inaasahan ang isang magandang opinyon na maririnig mo tungkol sa’yo mula sa isang mahal mo sa buhay. Ang akala mo kasi ay hindi ka mahalaga sa kanya kahit pa mahal mo siya kaya ikakatuwa mo ang magandang bagay na malalaman mong sinabi niya tungkol sa’yo.

Masuwerteng numero; 14,15,27,30 wa mo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here