Chinese Horoscope, Pebrero 26, 2021

795

DAGA (RAT)

Ang kawalan mo ng imik ang siyang magiging mitsa ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan nyo ng iyong karelasyon. Hindi niya gusto na hulaan ang iyong nararamdaman sa sitwasyon nyo ngayon kaya ipo-provoke ka niya na magsiwalat ng iyong damdamin.

Masuwerteng numero; 22,26,34,47

BAKA (OX)

Gagawan mo ng paraan ang hindi magandang kalagayan ng negosyo nyo ngayon. Maraming bagong ideya ang papasok sa isip mo subalit mamomomroblema ka sa mga kakailanganin mo para maisakatuparan ito.

Masuwerteng numero; 12,23,31,40

TIGRE (TIGER)

Iwasan mo ang tao na mainit ang dugo sa’yo ngayon. Kung magkukrus kayo ng landas ay maghahatid siya ng kamalasan sa’yo. Mas mabuti na ang umiwas sa gulo dahil wala itong mabuting idudulot sa’yo. Maging mapagpakumbaba.

Masuwerteng numero; 11,21,22,27

KUNEHO (RABBIT)

Magiging mabait sa’yo ngayon ang langit. Ang kahilingan mo sa araw na ito ay mapagbibigyan. Iwasan ang umabuso lalo na sa tao na nagtitiwala sa’yo. Panatilihin na nasa tamang lugar ang sarili upang hindi mawala ang biyaya.

Masuwerteng numero; 35,39,44,50

DRAGON (DRAGON)

Isang bagong kaibigan ang susulpot sa iyong harapan nang hindi mo inaasahan. Marami kayong mapagkukuwentuhan at matutuklasan na similarities sa isa’t-isa. Dahil dito ay makakagaangan mo siya ng loob.

Masuwerteng numero; 12,31,56,57

AHAS (SNAKE)

Kahit araw-araw mo na i-stalk ang ex mo ay wala pa ring mababago sa sitwasyon nyo, sya pa rin ang panalo at ikaw pa rin ang talunan dahil hanggang ngayon ay hindi ka makabitaw sa kanya. Bitaw na kung gusto mo na magbago ang kalagayan ng puso mo.

Masuwerteng numero; 30,62,78,80

KABAYO (HORSE)

Iwasan ang mga pagkain na alam mo namang wala kang sustansyang makukuha. Malapit ka sa sakit ngayon kaya’t habang may pagkakataon ka ay gawin mong malusog ang iyong sarili. Maging health conscious ka.

Masuwerteng numero; 8,17,23,31

TUPA (SHEEP)

Hindi ito ang tamang panahon para makipagtalo sa walang kwentang bagay. May pamilya ka at trabaho na mas dapat mong pagtuunan ng pansin kaysa sa pinagkakaabalahan mo ngayon. Maging responsable sa iyong kilos at salita.

Masuwerteng numero; 1,10,19,20

UNGGOY (MONKEY)

Handa ka na para ituon ang buong atensyon mo sa trabaho. Mas gusto mo nang bigyan ng halaga ngayon ang mga bagay na mas mahalaga kaysa sa mga bagay na stress lamang ang idinudulot sa’yo. Tama ang iyong desisyon.

Masuwerteng numero; 14,28,47,51

TANDANG (ROOSTER)

Mabibigyang kasagutan ngayon ang matagal ng tanong sa isip mo tungkol sa tunay na kalagayan ng isang kaibigan na nasa malayong lugar ngayon. Kaya naman ang pag-aalala mo sa kanya sa wakas ay mawawala na.

Masuwerteng numero; 9,16,28,29

ASO (DOG)

Dahil sa hindi ka magpapapigil sa iyong lakad ngayon ay mararanasan mo ang maipit ng napakatagal sa traffic. Bukod dito ay makakaengkuwentro ka pa ng mga tao na may hindi magandang attitude kaya mag-ingat.

Masuwerteng numero; 5,11,15,30

BABOY (PIG)

Magiging produktibo para sa’yo ang araw na ito. Ikaw ang aasahan ng inyong grupo para sa isang mahalagang proyekto. Iwasang makinig sa mga negatibong komento sa halip ay ipagpatuloy lang ang nasimulan at magtiwala sa sarili.

Masuwerteng numero; 11,30,46,52

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here