Chinese Horoscope; Pebrero 24

95

DAGA (RAT)

Ang pagsubok na darating ngayong araw ay hindi naman kasing bigat ng iyong napagdaanan. Kaya naman tulad ng dati ay kakayanin mo ito at malalampasan. Pinatatag ka na ng iyong mga karanasan kaya walang dapat ikabahala.

Masuwerteng numero; 50,51,55,62

BAKA (OX)

May pagkakaayos na magaganap ngayong araw. Ito ay sa pagitan nyo ng isang kaibigan na matagal mo ring nakaalitan. Dahil dito ay muli kayong makakapagsimula ng panibagong kabanata ng pagkakaibigan at dapat nyo na itong pahalagahan.

Masuwerteng numero; 16,17,20,22

TIGRE (TIGER)

Maraming makikisawsaw sa problemang kinakaharap mo ngayon na wala namang kinalaman sa’yo. Hindi mo maiiwasan na hindi maapektuhan kahit pa hindi mo na sila dapat idagdag pa sa iyong problema.

Masuwerteng numero; 14,16,25,27

KUNEHO (RABBIT)

Makakaisip ka na rin ng solusyon sa mahirap na sitwasyong kinasangkutan. Ang naisip mong solusyon ang magsasalba hindi lang sa’yo kundi maging sa mga nasa kapareho mong kalagayan. Dapat mo itong ikatuwa.

Masuwerteng numero; 12,15,20,30

DRAGON (DRAGON)

Hindi magiging mailap ang suwerte ngayon dahil sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari ay nananatili kang positibo. Ang attitude mong ito ang magsasalba sa’yo sa mga paparating pa lang na kamalasan.

Masuwerteng numero; 7,9,11,13

AHAS (SNAKE)

Ikaw at ang iyong likas na pagiging mapagbiro ang kukuha sa atensyon ng isang tao na inaakala mong mailap pa sa palos. Hindi niya mapipigilan ang sarili na hangaan ka sa talas at bilis ng iyong isipan sa pagpapatawa.

Masuwerteng numero; 34,37,49,50

KABAYO (HORSE)

Kung meron mang tao na magiging sobrang bless ngayong araw na ito ay walang iba kundi ikaw. May magandang oportunidad sa trabaho, meron kang malusog na pamilya at bukod doon ay magkakaroon ka ng isang bagong tapat na kaibigan.

Masuwerteng numero; 27,28,29,33

TUPA (SHEEP)

Ang pagdaramdam mo sa isang miyembro ng inyong pamilya ay maaaring lumala dahil sa pakikialam ng iba. Huwag mong hayaan na ito ay lumaki pa. Ang lahat ay maaaring madaan sa isang magandang usapan.

Masuwerteng numero; 46,48,58,59

UNGGOY (MONKEY)

Isang panibagong oportunidad ang matatanggap ngayong araw. Kahit alam mong loaded ka na ay hindi mo ito magagawang tanggihan dahil matagal mo ng hinihintay ang magandang oportunidad na ito na bahagi ng iyong pangarap.

Masuwerteng numero; 1,26,29,30

TANDANG (ROOSTER)

May pagbabagong magaganap sa kasalukuyang trabaho. Ang pagbabagong ito ang magiging dahilan para mas lalo ka pang magpursige at magsipag sa gawaing nakaatang sa’yo dahil matatakot ka na mawala ito.

Masuwerteng numero; 18,13,16,24

ASO (DOG)

Kahit gaano mo pa siya kamahal ay hindi mo siya mapagbibigyan sa kanyang kahilingan. Para sa’yo ay wala itong maitutulong sa inyong relasyon at magiging dahilan lamang ng inyong magiging pagtatalo sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 5,7,8,9

BABOY (PIG)

Magiging masaya at makulay ang araw mo ngayon dahil makakasama at makakausap mo ang isang hinahangaang tao. Kaya naman magiging memorable ang pagkakataon na ito para sa’yo. Iba ang sayang ihahatid nito sa puso mo.

Masuwerteng numero; 6,10,14,17

SHARE
Previous articleReincarnation, totoo ka nga ba?
Next articleANG MISTERYO SA MUKHA NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here