Chinese Horoscope Pebrero 23, 2021

644

DAGA (RAT)

Hindi magiging maganda ang conversation nyo ng iyong karelasyon kung patuloy mong igigiit ang isang bagay na alam mo namang imposibe niyang maibigay. Mas makakabuti kung uunawain mo na lamang ang sitwasyon nyo ngayon.

Masuwerteng numero; 1,3,12,26

BAKA (OX)

Ang problemang inaalala mo nitong mga nakaraang araw ay masosolusyunan na ngayon kaya mapapanatag ka na. Panatilihin ang pagiging positibo. Malaki ang naitutulong nito para sa isang maalwan na araw.

Masuwerteng numero; 32,48,57,69

TIGRE (TIGER)

May magagawa ka para papag-ayusin ang dalawang kaibigan na nagkakaroon ngayon ng hindi magandang pagkakaunawaan. Sa halip na kumampi sa isa ay nararapat lamang na gumitna ka at ibigay ang iyong patas na pagsimpatya.

Masuwerteng numero; 12,15,26,30

KUNEHO (RABBIT)

Maaalala mo ang isang dating karelasyon dahil sa halos kaparehong katauhan ng makikilala mo ngayon. Magmula sa kilos at galaw , hanggang sa pagsasalita at kaanyuan ay para mo na rin siyang nakita. Kakaibang saya ang idudulot nito sa’yo.

Masuwerteng numero; 10,23,24,25

DRAGON (DRAGON)

Maganda ang oportunidad na naghihintay sa’yo ngayon. Kaya sa halip na magmukmok ay bumangon ka at harapin ang mahahalagang oras na hindi dapat masayang sa pag-iisip ng mga walang kwentang bagay dulot ng mga walang kwentang tao sa buhay mo.

Masuwerteng numero; 2,5,16,27

AHAS (SNAKE)

Maging maingat sa iyong mga kinakain dahil sensitibo ngayon ang iyong sikmura. Huwag panay panayin ang mga streetfoods dahil hindi maganda ang ibubunga nito sa’yo ngayon na lapitin ka ng mga karamdaman.

Masuwerteng numero; 18,29,33,45

KABAYO (HORSE)

Ang pagiging prangka mo ang siyang magiging dahilan kung bakit may isang tao na lihim na sasama ang loob sa’yo. Kung minsan ay kailangan mo ring magpreno sa iyong mga sasabihin lalo na kung hindi sapat ang iyong kaalaman sa iyong sinasabi.

Masuwerteng numero; 10,12,13,14

TUPA (SHEEP)

Ito na ang tamang oras para magpokus ka muna sa iyong trabaho. Kalimutan mo na muna ang mga bagay na hindi makakabuti para sa’yo, lalo na ang mga taong nag-uudyok lamang ng hindi magagandang gawain na ikasasama mo.

Masuwerteng numero; 20,31,45,57

UNGGOY (MONKEY)

Matagal tagal na rin mula nang huli kang magalit. Ngayong araw ay muling lalabas ang iyong pangil dahil sa mga abusadong tao. Hindi mo ito mapipigilan kahit pa anong pagkokontrol mo sa sarili mo dahil sa sobrang galit na iyong nararamdaman.

Masuwerteng numero; 14,49,55,67

TANDANG (ROOSTER)

Magkakaroon kayo ng palitan ng komento at opinyon ng iyong mahal tungkol sa isang mahalagang bagay. Hindi mo maiiwasan ang mapikon subalit sa huli ay dapat mo pa ring pairalin ang pagiging mahinahon kung ayaw mong makita ka niyang asar talo.

Masuwerteng numero; 11,20,35,36

ASO (DOG)

Maging mahinahon sa bawat aksyon na iyong gagawin. Mas makakabuti kung gagamitan ng diplomasya ang isang tupang naliligaw ng landas. Kung dadaanin mo ito sa dahas ay hindi mo ito mapapasunod at lalayo lamang ito lalo dahil sa takot.

Masuwerteng numero; 32,40,41,52

BABOY (PIG)

Huwag mong masamain ang sinasabi sa’yo ng isang nakatatandang kamag-anak. Mabuti ang kanyang intensyon kaya ka niya pinagsasabihan. Ito ay para sa iyong kapakanan at hindi sa kanya kaya’t matutong makinig at magpasalamat.

Masuwerteng numero;28,35,54,65

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here