Chinese Horoscope Pebrero 22, 2021

698

Daga (Rat)

Madaling maubos ang perang nagmula sa masamang gawain. Hindi ka man nagnakaw kung nagkapera ka lang para lumamang sa’yong kapwa, huwag mong asahan na susuwertehin ka rin. Ang kapalaran ni Juan ay hindi kapalaran ni Pedro kaya huwag kang mainggit sa kapalaran ng iba.

Masuwerteng numero; 11, 29, 31, 67

Baka(Ox)

Huwag mo na pasakitin pa ang ulo mo kaya huwag kang gagawa ng masama sa’yong kapwa. Mas masarap mabuhay kung pipilin mo ang maging masaya. Kaya, kalimutan mo muna ang problema mo. Mag-enjoy ka lang muna sa’yong buhay.

Masuwerteng numero; 6, 23, 34, 59

Tigre (Tiger)

Huwag kang maging tamad. Hindi ka aasenso niyan. Kailangan ay gamitin mo ang iyong talino para gumanda ang iyong buhay. Kaya, tayo na. Magbasa-basa ka at mahahagilap mo din ang trabahong inilaan ng tadhana para sa’yo.

Masuwerteng numero; 20, 27, 29, 40

Kuneho (Rabbit)

Cute ka raw, sabi ng crush mo. Natural lang na kiligin ka pero huwag ka namang maging uto-uto na paniwalaan ang lahat ng sasabihin sa’yo ng kausap mo. Dapat ay alam mo rin kung kailan siya nagsisinungaling para hindi ka niya maisahan.

Masuwerteng numero; 4, 9, 19, 23

Dragon

Maging matulungin ka rin sana sa mga taong nangangailangan. Ngunit, kailangan mong maging matalino sa pagpili ng iyong tutulungan. Huwag mo hayaang maisahan ka na naman ng taong nagpapanggap na mahina gayung ang totoo, hinahanap lamang niya ang iyong kahinaan.

Masuwerteng numero; 18, 36, 44, 48

Ahas (Snake)

Hindi porke maayos ang kanyang hitsura ay mabuting tao na siya. Kadalasan kasi, ang masasamang tao ay nagpapanggap na kaibigan pero kaaway naman talaga. Kaya, sa lahat ng oras, kailangan mong mag-ingat upang hindi ka mapahamak.

Masuwerteng numero; 33, 52, 55, 66

Kabayo (Horse)

Mag-enjoy ka ng husto sa sandamakmak na biyaya na nagawa mong angkinin sa sandaling panahon. Huwag mo lang kaliligtaang pahalagahan ang mga suwerteng dumating sa’yong buhay. Baka kasi dumating ang sandaling, isa-isang maglaho ang lahat ng ‘yan.

Masuwerteng numero; 7, 17, 32, 59

Tupa(Sheep)

Lakasan mo ang iyong loob at makakamit mo ang lahat ng suwerteng nanaisin mo. Hindi lang sa pag-ibig, pati na rin sa salapi. Ang kailangan mo lang gawin para magtuloy-tuloy ang magandang kapalaran, maging tapat sa’yong nararamdaman.

Masuwerteng numero; 5, 27, 47, 60

Unggoy (Monkey)

Ipaglaban mo ang mga bagay na para sa’yo. Huwag mo hayaang may umagaw nito sa’yo dahil habambuhay kang magiging miserable.

Masuwerteng numero; 26, 51, 63, 69

Tandang(Rooster)

Uminom ka ng maraming tubig para gumaan ang iyong pakiramdam. Kung panay ang inom mo ng softdrinks at alak, manganganib ang iyong kalusugan. Hahayaan mo bang mangyari iyon? Iisa lang ang buhay mo kaya mahalin mo ‘yan para hindi ka magsisi.

Masuwerteng numero; 8, 11, 13, 44

Aso (Dog)

Bago ka magsalita ng kung anu-ano sa’yong kapwa, mag-isip ka munang mabuti. Huwag kang masyadong mayabang dahil ikakapahamak mo lang ‘yan. Maging mabait ka sa’yong kapwa para kaawaan ka rin ng kapalaran.

Masuwerteng numero; 10, 41, 51, 61

Baboy(Pig)

Marunong kang mamalatsa, hindi ba? Kung ganoon, anumang gusot ninyo ng mahal mo ay plantsahin mo na para magkaroon na kayo nang maayos na pagsasama. Ikaw lang kasi ang mahihirapan kung pipiliin mong maging mayabang sa lahat ng bagay.

Masuwerteng numero; 3, 14, 22, 47

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here