Chinese Horoscope; Pebrero 17

158

DAGA (RAT)

Hindi ka makakaramdam ng kahit katiting na stress sa araw na ito dahil nasa tabi mo ang iyong mahal. Ang buong maghapon ay kalmado lang sa piling ng isa’t-isa. Kaya naman i-enjoy mo lang ang bawat oras na lilipas.

Masuwerteng numero; 11,13,20,24

BAKA (OX)

Isang tao ang magpapagaan ng araw mo. Kahit pa hindi siya ang tao na inaasahan mong magpapaganda ng mood mo ay siya talaga ang makapagpapangiti sa’yo. Dahil sa kanya ay pansamantala mong malilimutan ang problema.

Masuwerteng numero; 2,5,6,8

TIGRE (TIGER)

As usual ay hindi mo pa rin magagawa ang iyong pinaplanong pagda-diet. Hindi mo talaga ito kakayanin hangga’t napapalibutan ka ng mga tao na mahilig kumain at wala kang sapat na kakayahan para tanggihan sila.

Masuwerteng numero; 19,30,32,37

KUNEHO (RABBIT)

Mahirap pero kung gusto mo talagang magtagumpay sa isang proyekto ay kailangan mong disiplinahin ang iyong sarili. Hindi masamang humingi ng tulong pero dapat ang malaking parte nito ay ikaw ang gagawa.

Masuwerteng numero; 40,44,49,50

DRAGON (DRAGON)

Huwag mo na siyang hintayin dahil hindi na siya babalik. Sa ayaw mo at sa gusto, ang kapalaran nyo ay humantong na sa magkaibang landas na kailangan ninyong tahakin nang magkahiwalay. Dapat mo itong tanggapin.

Masuwerteng numero; 23,25,36,39

AHAS (SNAKE)

May mga tao kang makakasalamuha sa araw na ito na sadyang walang pakialam sa’yo. Kahit pa kayo ay magkakasama sa iisang grupo. May kanya-kanya silang dahilan kung bakit sila magjo-join sa grupo at wala kang maaasahan sa kanila.

Masuwerteng numero; 19,21,24,30

KABAYO (HORSE)

Magkakaroon ng maliit na hindi pagkakaintindihan sa pagitan nyo ng iyong boss. Mahihirapan kang pakalmahin ang iyong sarili dahil alam mong ikaw ang nasa tama. Kahit ipagpilitan niya ang kanya ay maninindigan ka pa rin.

Masuwerteng numero; 6,11,12,18

TUPA (SHEEP)

May makikilala kang makapagsasalba ng nalulugi mong negosyo. Kailangan mo siyang pakitunguhan ng mabuti kahit pa may ilang bagay kang hindi nagugustuhan sa kanya. Siya lang ang magiging pag-asa mo sa ngayon.

Masuwerteng numero; 60,63,66,67

UNGGOY (MONKEY)

Dahil sa pagkairita mo sa isang tao ay makakapagbitaw ka ng hindi magandang salita laban sa kanya. Hindi mo na ito mababawi kahit deep inside ay makakaramdam ka ng pagsisisi. Mag-iisip ka ngayon kung anong magagawa mong pabor para sa kanya para makabawi ka.

Masuwerteng numero; 9,14,17,20

TANDANG (ROOSTER)

May ilang bagay kang kakailanganing linawin ngayong araw na ito tungkol sa iyong kaibigan. Gagawin mo ito kahit pa magkaroon ka ng pag-aalinlangan dahil malaki ang kinalaman nito para masagot ang problema mo.

Masuwerteng numero; 5,15,22,33

ASO (DOG)

Isang tao na nasa ilalim ng zodiac na cancer ang kailangan mong iwasan. Kung hindi mo gagawin ay magdudulot siya ng problema sa’yo na may kinalaman sa’yong buhay pag-ibig. Huwag mo siyang hayaan na makapasok sa puso mo.

Masuwerteng numero; 42,47,59,61

BABOY (PIG)

Sa kabila ng kakapusan mo sa budget ay magagawa mo pa rin na tulungan ang isang kamag-anak na sa tingin mo ay mas nangangailangan kaysa sa’yo. Wala kang hihintaying kapalit kaya bahala na sa’yo ang langit.

Masuwerteng numero; 17,19,20,25

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Pebrero 17, 2020
Next articleANG MISTERYO NG TRIANGULAR SHAPE U.F.O. SA RUSSIA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here