Chinese Horoscope; Pebrero 16

110

DAGA (RAT)

Hindi magiging maganda ang araw mo sa umaga dahil sa isang tao na magpapainit ng iyong ulo. Bago naman matapos ang maghapon ay mababawi mo rin ang hindi magandang ihip ng hangin at magiging maayos na ang lahat.

Masuwerteng numero; 7,8,19,20

BAKA (OX)

Ang maghapong ito ay kukulangin para masulit mo ang minsanan nyo lang pagsasama ng iyong mahal sa buhay. Kahit marami pa kayong gustong gawin at marami ka pang gustong sabihin sa kanya ay sa ibang araw nyo na lang ito maitutuloy.

Masuwerteng numero; 5,12,24,35

TIGRE (TIGER)

Sadyang may mga pangakong napapako na lang. Pero hindi naman ito sapat para ipagdamdam mo sa iyong mahal. Kailangan mo lang na lawakan pa ang iyong pang-unawa at pasensya sa kanya lalo na’t alam mo naman ang inyong sitwasyon.

Masuwerteng numero; 6,27,39,40

KUNEHO (RABBIT)

Magiging maalwan ang pasok ng pera sa iyong negosyo. Ito ay hindi lamang dahil sa mga bago mong lucky charms kundi dahil na rin sa maganda mong awra at pagiging positibo sa araw na ito sa kabila ng ilang aberya.

Masuwerteng numero; 8,18,22,26

DRAGON (DRAGON)

Sa dami ng trabahong tinanggap mo nitong mga nakaraang araw ay mahihirapan ka ngayon kung alin ba rito ang dapat mong unahin at iprayoridad. Dapat mong matutunan kung paano mag-organisa ng sarili mong mga gawa.

Masuwerteng numero; 43,46,47,50

AHAS (SNAKE)

Maiibsan ang sakit ng ulo mo dahil sa pagdating ng isang tao. Dahil sa kanya ay pansamantala mong makakalimutan ang mga problemang nagpapasakit ng iyong ulo. May dala siyang magandang balita na magpapangiti sa’yo.

Masuwerteng numero; 1,13,14,25

KABAYO (HORSE)

Hindi ka mabibigo sa nais mong mangyari ngayong araw. Tila nakaguhit na sa palad mo ang iyong mga plano at nakatakda itong magkaroon ng katuparan sa ngayon. Manatiling positibo at naniniwala sa kakayahan.

Masuwerteng numero; 31,32,44,48

TUPA (SHEEP)

May sarili kang ideya pero mananaig sa’yo ang impluwensya ng iba. Kaya naman sa huli ay ikaw rin ang mahihirapan. Mas makakabuti sa’yo kung bibigyan mo ng pagkakataon ang sariling ideya kaysa kagustuhan ng iba.

Masuwerteng numero; 14,15,28,29

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo kailangang magmadali. Take your time para gawin ang mga bagay bagay na mahalaga sa’yo. May sapat kang oras para matapos ito lahat. Mailalagay sa ayos ang lahat kung bibigyan ng focus ang bawat gawain.

Masuwerteng numero; 34,39,40,41

TANDANG (ROOSTER)

Hindi ikaw ang tipo na naghahabol sa taong tinalikuran ka na. Pero sa pagkakataong ito ay hindi mo mapipigilan ang sariling emosyon na hanapin ang isang tao. Mahihirapan kang magkontrol dahil talagang mahal mo siya.

Masuwerteng numero; 18,19,32,43

ASO (DOG)

Walang maitutulong sa’yo ang pagiging stalker mo sa social media sa isang tao na labis mong hinahangaan. Ang isip niya ay nakatuon sa isang bagay na tanging mahalaga sa kanya kaya bulag siya sa ibang bagay o tao sa kanyang paligid.

Masuwerteng numero; 54,57,67,69

BABOY (PIG)

Hindi mo lang alam pero labis ang pag-aalala sa’yo ng isang tao. Ang pagiging hindi niya showy ay magiging dahilan ng pagdaramdam mo. Kaya naman ang maghapong ito ay mapupuno ng mga tanong at pag-aalinlangan.

Masuwerteng numero; 19,20,30,34

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Pebrero 16, 2020
Next articleANO ANG KALULUWA AT ESPIRITU, AT TOTOO BA NA MAY BUHAY SA KABILANG DAKO?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here