Chinese Horoscope; Pebrero 14

86

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Maaaksaya ang oras mo sa walang kabuluhang bagay sa araw na ito. Wala kang magagawa dahil hindi mo mapipilit ang sarili mo na kumilos at gawin ang dapat mong gawin. Mabigat ang iyong pakiramdam at wala ka sa mood na maging produktibo ngayon.

Masuwerteng numero; 10,14,21,26

BAKA (OX)

Hindi ka mag-iisa sa iyong kalungkutan sa araw na ito. Hindi lang ikaw ang tao na walang kapareha ngayong araw ng mga puso kaya marami kang makakasama. Magiging makabuluhan pa rin ang okasyon kahit walang karelasyon.

Masuwerteng numero; 10,15,20,24

TIGRE (TIGER)

Huwag mong gawing dahilan ang iyong anak para hindi ka makaalis sa isang relasyon na hindi mo na kayang panindigan. Mas makakabuti pareho sa inyo at sa inyong mga anak kung palalayain mo siya kaysa masaksihan pa nila ang kawalan nyo ng respeto sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 38,39,40,41

KUNEHO (RABBIT)

Panahon na para magmove on ka mula sa isang nasirang relasyon. Masyado ng maraming oras ang iyong nasayang kaya dapat lang na bumangon ka na ngayon at bigyang halaga naman ang iyong sarili kaysa ibang tao na wala ng pakialam sa’yo.

Masuwerteng numero; 37,44,48,50

DRAGON (DRAGON)

Mapupuno ng kilig at pagmamahalan ang araw na ito dahil makakasama mo ang iyong long time partner sa isang masayang pagtitipon. Ang buong maghapon nyo ay iikot lang sa okasyon at sa isa’t-isa hanggang sa gabi.

Masuwerteng numero; 12,14,18,19

AHAS (SNAKE)

Habang nagsasaya ang iba ay magiging abala ka naman sa iyong trabaho. Sa halip na gumugol ng pera at panahon para sa araw ng mga puso ay mas pipiliin mo na ituon ang iyong buong atensyon sa mga gawain sa trabaho.

Masuwerteng numero; 35,36,40,42

KABAYO (HORSE)

Malungkot ang araw na ito para sa’yo dahil sa halip na ikaw ay magcelebrate kasama ng iyong mahal ay makukulong ka lang sa loob ng bahay dahil sa hindi magandang pakiramdam. Lilipas ang araw na walang ganap.

Masuwerteng numero; 1,2,5,7

TUPA (SHEEP)

Magiging maganda ang takbo ng iyong negosyo sa araw na ito. Jackpot ka sa mga customers mo ngayon dahil napapanahon at sumasabay sa okasyon ang iyong negosyo. Kaya naman matutulog ka nang may ngiti sa labi.

Masuwerteng numero; 61,64,68,69

UNGGOY (MONKEY)

May hatid na lungkot ang araw na ito para sa’yo dahil iba ang sinasabi ng iyong isip sa ibinubulong ng iyong puso. Ang totoong nilalaman nito ay malayo sa’yo at walang chance na siya ay makasama o makausap man lang.

Masuwerteng numero; 6,21,29,30

TANDANG (ROOSTER)

Wala ka sa mood para makipagcelebrate sa mga kaibigan ngayon. Dahil ang iyong itinatangi ay may iba ng nagmamay-ari. Kaya naman mas gugustuhin mo na lang na manatili sa loob ng tahanan at ituon sa ibang bagay ang iyong atensyon.

Masuwerteng numero; 1,21,29,30

ASO (DOG)

Dahil araw ngayon ng mga puso ay pipiliin mo na muna ang manahimik at hindi muna pagtuunan ng pansin ang iyong kaaway. Gugustuhin mo munang makaramdam ng kapanatagan kahit sa isang buong maghapon at magdamag lang.

Masuwerteng numero; 17,23,26,37

BABOY (PIG)

Mas papaboran mo ngayon ang iyong kaibigan kaysa kamag-anak. Ito ay dahil mas titingnan mo ang tamang katwiran para sa’yo. Ayaw mo namang pumabor sa alam mong mali kahit ito pa ay kamag-anak mo.

Masuwerteng numero; 8,18,20,30

SHARE
Previous articleMGA ANGHEL NA MAAARING TAWAGIN UPANG MAGING MASAGANA ANG KABUHAYAN AT PANANALAPI
Next articleKahulugan ng Panaginip #36

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here