Chinese Horoscope; Pebrero 13

0
259

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Magiging panatag ang araw na ito para sa’yo. Wala kang ibang iisipin kundi ang ikakabuti ng kapakanan ng iyong pamilya. Nakasentro sa kanila ngayon ang atensyon at panahon mo at isasantabi mo muna ang mga problema.

Masuwerteng numero; 7,9,10,11

BAKA (OX)

Hindi ka makakaramdam ng pagkainip ngayong araw dahil sa isang bisita na darating. Pupunuin niya ng saya ang bawat oras sa buong araw mo. Hihilingin mo na manatili pa sana siya subalit alam nyong pareho na hindi maaari.

Masuwerteng numero; 1,12,23,27

TIGRE (TIGER)

Kakailanganin mong pakawalan ang isang tao sa buhay mo kahit pa ang ibig sabihin ng kalayaan niya ay kalungkutan mo. Ito ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Sa ayaw at sa gusto mo ay hindi mo ito maaaring pwersahin.

Masuwerteng numero; 10,20,28,30

KUNEHO (RABBIT)

Ang dating pag-ibig na ibinaon na sa limot ay muling aahon ngayon mula sa pagkakalugmok. Muli itong magpaparamdam at aasa na hindi pa huli ang lahat. Subalit hindi mo ito masasagot sa ngayon dahil ikaw mismo ay maguguluhan.

Masuwerteng numero; 9,14,15,26

DRAGON (DRAGON)

Magkakaroon ka ng isang magandang pagkakataon para umangat sa trabaho. Wala kang aaksayahing oras para hindi mo ito mapalampas. May isang tao lang na kailangan mong malampasan bago mo makuha ang gusto mo.

Masuwerteng numero; 6,17,18,20

AHAS (SNAKE)

Mapapabilib mo ang isang nakakataas sa trabaho. Gayunpaman wala itong magiging epekto sa iyong trabaho tulad ng inaasahan mong pag-angat ng posisyon. Marami pa kasi ang kailangan mong pabilibin bago mangyari ang gusto mo.

Masuwerteng numero; 8,9,10,13

KABAYO (HORSE)

Dahil sa kaabalahan mo sa trabaho ay magkukulang ang oras mo para sa kanya. Wala kang magagawa sa bagay na ito dahil importante sa’yo ngayon ang trabaho mo. Babalakin mo na lang na bumawi sa kanya sa ibang pagkakataon kapag maluwag na ang oras mo.

Masuwerteng numero; 10,18,19,21

TUPA (SHEEP)

Mag-aalala ka sa isang kamag-anak na kakailanganing lumayo ng lugar. Malapit kayo sa isa’t-isa at sanay ka na lagi siyang nandyan kapag kailangan mo siya at ganoon din siya sa’yo subalit nakatakda ng magbago ang lahat.

Maswerteng numero; 3,14,25,30

UNGGOY (MONKEY)

Aakalain mo na malamig na siya sa’yo at may iba na siyang iniisip. Pero magkakamali ka ng akala dahil loyal sya sa’yo at masosorpresa ka na lang sa kaya niyang gawin para sa relasyon nyo. Hindi mo ito inaasahan sa kanya.

Masuwerteng numero; 5,6,22,23

TANDANG (ROOSTER)

Wala kang magiging option ngayon kundi ang magpatangay sa agos ng iyong buhay. Kung sasalungat ka ay mas lalo ka lang mahihirapan. Marami ka namang matututunan at mapupulot na aral basta’t huwag ka lang bibitaw.

Masuwerteng numero; 9,15,20,21

ASO (DOG)

Mag-ingat ka sa mga salitang bibitawan mo dahil inoobserbahan ka niya. Paniniwalaan niya ang anumang sasabihin mo at aasa siya dito kahit ang totoo ay biro lamang sa’yo ang lahat at walang ibang kahulugan.

Masuwerteng numero; 6,17,19,29

BABOY (PIG)

Kahit ilang beses ka na niyang binitin sa kanyang mga pangako ay mananatili kang umaasa sa kanya. Hangga’t nasa puso mo siya ay patuloy mo siyang paniniwalaan at bibigyan ng pagkakataon kahit kung minsan ay gusto mo na ring sumuko.

Masuwerteng numero; 2,8,10,29

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here