Chinese Horoscope; Pebrero 13

93

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Hindi mo maiiwasan na mag-alala tungkol sa dokumentong nilalakad mo ngayon. Pero dapat kang kumalma dahil ang lahat ay dadaan sa maayos na proseso. Ang kay Juan ay para kay Juan at ang kay pedro ay para kay Pedro.

Masuwerteng numero; 12,16,19,22

BAKA (OX)

Magiging masaya ang araw na ito sa piling ng iyong mahal. Ang daloy ng mga pangyayari ay aayon sa iyong mga plano kaya naman panatag na lilipas ang buong maghapon. Walang problemang kakaharapin sa ngayon.

Masuwerteng numero; 3,5,8,10

TIGRE (TIGER)

May isang tao na maa-attract sa’yo sa araw na ito. Hahangaan niya ang ipapakita mong kakayahan sa trabaho kaya naman magmula ngayon ay magiging followers mo na siya sa lahat ng iyong social media account.

Masuwerteng numero; 15,20,25,30

KUNEHO (RABBIT)

Hangga’t maaari ay iwasan ang masyadong pagiging open sa social media tungkol sa iyong personal na buhay. Malaki ang posibilidad na ito ang maglagay sa’yo sa kapahamakan. Piliin lamang ang mga ipopost at ipapaalam sa mga kaibigan.

Masuwerteng numero; 52,63,66,67

DRAGON (DRAGON)

Sa ayaw at sa gusto mo ay muling magkakaroon ng espasyo sa buhay mo ang isang tao na gusto mo na sanang kalimutan. Ang kanyang parte ay hindi pa natatapos sa nakaraang kabanata kaya naman asahan mo na ang kanyang pagbabalik.

Masuwerteng numero; 17,18,23,29

AHAS (SNAKE)

May matatanggap kang sorpresa sa araw na ito mula sa isang kaibigan. Ngayon mo malalaman kung gaano siya ka-thoughtful at mapapatunayan mo rin na hindi totoo ang sinasabi ng iba na siya ay taong kuripot.

Masuwerteng numero; 13,14,25,26

KABAYO (HORSE)

Nakatakdang tumaas ang posisyon mo sa trabaho pero hindi pa sa araw na ito. May kailangan ka pang ayusin sa iyong maiiwanang pwesto. Bukod dito ay kakailanganin mo ring ayusin ang relasyon mo sa mga kasamahan sa trabaho.

Masuwerteng numero; 6,16,30,33

TUPA (SHEEP)

Magkakaroon ka ng pagkakataon na makausap ang iyong ex sa pamamagitan ng isang chat room. Pero walang matinong usapan ang mamamagitan, sa halip ay puro biruan na lamang dahil pareho nyo nang sinusubukan na kalimutan ang isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 14,24,32,38

UNGGOY (MONKEY)

May malaking pagbabagong magaganap sa iyong career. Magdesisyon ka man ngayon o hindi ay ito pa rin ang magiging kapalaran mo. Mas makakabuti kung pag-aaralan mo na ang lahat ng detalye ngayon pa lang.

Masuwerteng numero; 29,30,31,45

TANDANG (ROOSTER)

Matutong makinig sa paalala ng mga matatanda. Sa araw na ito ay mapapatunayan mo na para sa iyo rin ang kanilang mga sinasabi. Para sa iyong ikabubuti, kaya sa susunod ay huwag nang pairalin ang katigasan ng ulo.

Masuwerteng numero; 42,46,59,69

ASO (DOG)

Magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan nyo ng iyong karelasyon. Tungkol lamang ito sa isang maliit na bagay na walang kinalaman sa inyong relasyon. Ikaw na ang magpakumbaba kung ayaw mong mauwi pa ito sa pagkalala.

Masuwerteng numero; 13,17,19,26

BABOY (PIG)

Mababawasan ang pag-aalala mo sa isang mahal sa buhay na nasa malayo dahil makakatanggap ka ng mensahe mula sa kanya. Maayos ang kanyang kalagayan kaya naman maipapanatag mo na ang iyong kalooban.

Masuwerteng numero; 31,38,42,50

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; February 11
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Pebrero 13, 2020

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here