Chinese Horoscope; Pebrero 11

0
316

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Mababawasan ang kumpiyansa mo sa sarili dahil lang sa sasabihin ng isang tao na pintas sa iyo. Alam mo sa sarili mo na hindi ka dapat magpaapekto sa mga klase ng tao gaya niya pero hindi mo ito magagawang balewalain.

Masuwerteng numero; 9,10,12,14

BAKA (OX)

Maganda ang ipapakita sa’yo ng isang bagong kapitbahay kaya naman agad niyang makukuha ang tiwala mo. Dapat ka lang maghinay-hinay sa pakikitungo at pagbubukas sa libro ng buhay mo sa isang tao na hindi mo pa lubos na kilala.

Masuwerteng numero; 7,9,11,22

TIGRE (TIGER)

Suwerte ang ihahatid sa’yo ng isang kaibigan mula sa malayo. Ang bitbit niyang magandang balita ay magsisilbi sa’yo bilang inspirasyon at motivation para sa plano mong pagnenegosyo. Magiging magandang simula ito.

Masuwerteng numero; 8,23,25,27

KUNEHO (RABBIT)

Isa itong pagkakataon sa buhay mo na kakailanganin mong mamili sa dalawang taong parehong mahalaga sa’yo kung sino ang papaniwalaan at papanigan mo. May magkaiba silang version ng kanilang alitan.

Masuwerteng numero; 16,20,22,30

DRAGON (DRAGON)

Bawat salita na lalabas sa bibig mo ay paniniwalaan niya kaya iwasan mo ang magsabi ng hindi totoo sa iyong puso dahil madali para sa kanya ang umasa subalit mahirap na siya ay masaktan dahil kikimkimin niya iyon sa kanyang dibdib.

Masuwerteng numero; 8,11,13,20

AHAS (SNAKE)

Kung meron man tao na makakatulong sa problema mo, iyon ay walang iba kundi ang iyong mga magulang. Huwag kang mag-atubiling lumapit sa kanila dahil hindi ka nila bibiguin. Hinihintay lang nila na magkusa ka.

Masuwerteng numero; 1,14,25,26

KABAYO (HORSE)

Magkakaroon ka ng pag-aalinlangan na ibahagi ang nalalaman mo para sa ikaka-improve ng iyong trabaho. Mahalaga para sa’yo ang iisipin ng iyong mga kasamahan at ayaw mong isipin nila na nagmamagaling ka.

Masuwerteng numero; 4,5,17,29

TUPA (SHEEP)

Hindi lahat ng oras sa araw na ito ay maganda. Hindi magiging maganda ang timpla mo sa simula ng iyong araw dahil sa isang tao subalit ang tao rin na ito ang magiging dahilan para gumanda ang mood mo bago lumubog ang araw.

Masuwerteng numero; 3,12,16,28

UNGGOY (MONKEY)

Marami kang alam at may angkin kang kahusayan sa trabaho man o sa negosyo. Kailangan mo lang i-push ang sarili mo dahil may pagkakataon na makakaramdam ka ng katamaran at depression na hindi mo alam ang pinanggagalingan.

Masuwerteng numero; 7,18,23,24

TANDANG (ROOSTER)

Magdadalawang isip ka na tanggapin ang iaalok sa’yong trabaho ng isang bagong kakilala. Dahil bago mo pa lang siyang kakilala kaya takot ka pang magtiwala. Sa kabilang banda ay alam mo sa sarili mo na kailangan mo ng trabaho.

Masuwerteng numero; 8,19,22,29

ASO (DOG)

Hindi mo maiiwasan na makaramdam ng sama ng loob sa taong mahal mo. Sa pakiramdam mo ay mas binibigyan niya ng prayoridad ang kanyang trabaho kaysa sa minsanang araw at pagkakataon na pwede kayong magkasama.

Masuwerteng numero; 5,17,18,30

BABOY (PIG)

Kukulangin ka ng kumpiyansa sa sarili kaya hindi magiging maayos ang resulta ng gagawin mo. Dapat ka ring matutong humingi ng opinyon ng iba upang malaman mo kung ano ang mga dapat mo pang ma-improve.

Masuwerteng numero; 5,16,18,20

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here