Chinese Horoscope; Oktubre 9

0
320

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Isang tao na akala mo ay kakampi mo ang magdadala sa’yo sa kapahamakan. Iwasan ang pagbibigay ng sobrang tiwala. Huwag kang masyadong maging komportable lalo na kung hindi mo kilala ang tao na kaharap mo.

Masuwerteng numero; 1,10,13,35

BAKA (OX)

Yung akala mo ay matagal at mahabang proseso ay magiging mabilis lang kaya’t magkakaroon ka pa ng oras para sa ibang bagay. Samantalahin mo ang pagkakataon na makukuha para matapos ang dapat mo pang tapusin.

Masuwerteng numero; 5,16,27,38

TIGRE (TIGER)

Huwag mong ipagwalang bahala ang nangyayaring hidwaan sa pagitan ng iyong asawa at iyong mga kamag-anak. Malaki ang posibilidad na ito ay lumala kung hindi maaagapan. Ikaw lamang ang makakapag-ayos sa kanila.

Masuwerteng numero; 9,12,22,40

KUNEHO (RABBIT)

Matutong makuntento sa kung ano ang meron ka ngayon. Kahit ano pa ang paghahangad na gawin mo sa pag-aari ng iba ay hindi ito mapapasaiyo kung hindi ka magsisikap at hindi mo dadagdagan ang effort mo sa trabaho.

Masuwerteng numero; 17,26,39,55

DRAGON (DRAGON)

Maiibsan kahit papa’no ang pag-aalala mo sa isang kaibigan na lumayo para magtrabaho. Ang magandang balita na may kinalaman sa kanya ay sapat na para mapanatag ang iyong loob bilang isa siya sa itinuturing mong malapit mong kaibigan.

Masuwerteng numero; 13,25,38,41

AHAS (SNAKE)

Malalaman mo ngayong araw na ito kung sino ang tunay na nagmamalasakit sa iyong pamilya. Ito ay sa pamamagitan ng isang pangyayari na hindi mo inaasahan. Magsisilbi itong paraan at makakabuti ito para sa’yo.

Masuwerteng numero; 12,46,67,78

KABAYO (HORSE)

Ikababahala mo ang hindi pagpaparamdam ng taong may malaking pagkakautang sa’yo. Hindi mo maiiwasan na mag-isip ng hindi maganda lalo pa at malakas ang kutob mo ngayon. Kakailanganin mong kumilos.

Masuwerteng numero; 8,22,31,50

TUPA (SHEEP)

Isang magandang oportunidad ang matatanggap mo ngayong araw. Hindi mo kailangang magdalawang isip dahil malinaw naman na ito lang ang tanging makapagsasalba ngayon sa kabuhayan nyo kaya dapat mo itong tanggapin.

Masuwerteng numero; 17,19,34,43

UNGGOY (MONKEY)

Mabuti ang intensyon mo sa iyong mga plano kaya naman ipagpatuloy mo lang ito. Kung pumalpak man at hindi ka magtagumpay ay wala kang dapat ipag-alala dahil ginawa mo ang best mo at may darating pang mas higit dito.

Masuwerteng numero; 39,57,65,78

TANDANG (ROOSTER)

Magkakaroon ka ng pagkakataon na makausap ang isang mahalagang tao. Huwag mong kalimutan na sabihin ang iyong concern dahil hindi na mauulit ang pagkakataon na ito kaya’t huwag na huwag mong palalampasin.

Masuwerteng numero; 9,10,46,51

ASO (DOG)

May taong naiinggit sa’yo ang gagawa ng paraan para ikaw ay pabagsakin. Hindi siya magtatagumpay kung hindi mo siya bibigyan ng pagkakataon na gawin ito. Kailangan mo ng tulong mula sa matatapat mong kaibigan.

Masuwerteng numero; 7,28,32,68

BABOY (PIG)

Hindi gaanong maganda ang araw na ito para sa’yo dahil muli mong makakakrus ng landas ang iyong ex na hangga’t maaari ay ayaw mo nang makita. Pero tila mananadya ang inyong tadhana kaya hindi mo maiiwasan na makaramdam ng inis.

Masuwerteng numero; 45,67,79,80

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here