Chinese Horoscope Oktubre 6, 2022

DAGA (RAT)

Mag-ingat sa mga salitang bibitawan dahil maraming tenga ang nakikinig sa bawat salitang lalabas sa iyong bibig. Posible itong pagmulan ng hindi ninyo pagkakaintindihan ng mga kaibigan dahil sa mga maling parating.

Masuwerteng numero; 5,6,17,20

BAKA (OX)

Makakaramdam ka ng hindi maganda sa katawan. Mas makakabuti kung bibigyan ng pagkakataon ang sarili na makapagpahinga bago pa lumala ang nararamdaman.Mas malaki ang mawawala sa’yo kung paiiralin ang tigas ng ulo.

Masuwerteng numero; 1,24,35,67

TIGRE (TIGER)

Ilang beses ka nang nagpaubaya sa iyong mga kapatid sa pagdedesisyon na may kinalaman sa inyong mga magulang. Sa pagkakataon na ito ay ipipilit mo na ikaw naman ang magpasya upang magampanan mo rin ang tungkulin mo bilang anak.

Masuwerteng numero; 38,42,55,60

KUNEHO (RABBIT)

Masasaling mo ang damdamin ng iyong mahal nang hindi sinasadya. Hindi masama ang magpakumbaba lalo na kung alam mo namang ikaw ang nagkamali. Sikapin mo na lang na hindi na maulit ang mga ganitong eksena.

Masuwerteng numero; 28,36,37,41

DRAGON (DRAGON)

Sa ayaw at sa gusto mo ay kikilos ang tadhana para ilayo ka sa kanya. Huwag mo nang ipilit ang gusto mo dahil kahit anong gawin mo ay nakatakdang magkahiwalay ang inyong landas upang pareho kayong makapag-isip ng tama.

Masuwerteng numero; 9,12,13,24

AHAS (SNAKE)

Isang kaibigan ang bibigyan mo ng pabor sa araw na ito. Dahil dito ay magiging magaan ang iyong pakiramdam. Ingatan mo lamang na dahil din dito ay maabuso ka ng ibang tao na makakaalam sa pabor na ibinigay mo.

Masuwerteng numero; 7,16,35,57

KABAYO (HORSE)

Walang mangyayaring hindi maganda ngayong araw na ito tulad ng inaasahan mo. Magiging maayos lang ang lahat at walang problema ang haharapin mo. Gayunpaman, palagi ka pa ring maging aware sa ibang araw.

Masuwerteng numero; 26,30,67,68

TUPA (SHEEP)

Hindi ka mabibigo sa iyong mga plano subalit hindi pa ngayong araw ang magiging kaganapan nito. Kakailanganin mo pang maghintay at magdagdag ng konti pang effort kung nais mo na mas maging pulido ito.

Masuwerteng numero; 22,39,43,69

UNGGOY (MONKEY)

May magagawa ka pa para maisalba ang relasyon ninyong dalawa kung nanaisin mo. Ang problema, bukod sa problemang pag-ibig ay marami ka pang ibang iniisip na problema kaya hindi mo pa ito mabibigyan ng pansin.

Masuwerteng numero; 13,14,30,33

TANDANG (ROOSTER)

Medyo tagilid ang negosyo mo sa araw na ito. Subalit hindi pa ito ang tamang oras para ikaw ay sumuko. Ipagpatuloy mo lang kung ano ang iyong nasimulan at panatilihin ang pagiging positibo. Darating din ang oras ng iyong tagumpay.

Masuwerteng numero; 17,18,45,70

ASO (DOG)

Yung gustong gusto mo nang bumitaw pero bigla ka ulit kakapit sa kanya dahil muli niyang ipaparamdam sa’yo ang pagmamahal niya. Matuto ka na sa mga nagdaang pagkakamali at pangyayari kung gusto mo na may mabago sa inyong sitwasyon.

Masuwerteng numero; 8,12,27,28

BABOY (PIG)

Maging maingat sa mga pagkaing ipinapasok sa katawan dahil malapit ka ngayon sa isang sakit na hindi mo inaasahan. Mas makakabuti kung pipiliin na muna ang mga pagkaing masusustansya gaya ng prutas at gulay.

Masuwerteng numero; 11,28,62,71