Chinese Horoscope; Oktubre 19

368

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT) Kailangan mong ituloy ang iyong nasimulang negosyo kung nais mo na makabawi rito. Kung bibitawan mo ito agad ay masasayang ang pinaghirapan mo. Bagong strategy lang ang kailangan at positibong pananaw. Masuwerteng numero; 1,23,42,60

BAKA (OX) Maiiwasan ang hindi magandang senaryo kung iiwasan mo rin ang mga negatibong tao na siyang maglalagay sa’yo sa ganitong sitwasyon. Matutong makinig sa mga nakatatanda na walang hangad kundi ikabubuti mo. Masuwerteng numero; 5,12,15,30

TIGRE (TIGER) Magkakaroon ka ng pagkakataon na mapalapit sa isang tao na tinitingala mo. Huwag mong sayangin ang pagkakataon na ito. Sabihin mo na sa kanya ang mga nais mong sabihin. May tsansa na mapagbigyan niya ang kahilingan mo. Masuwerteng numero; 18,22,43,56

KUNEHO (RABBIT) Kung meron ka mang dapat pagsabihan ng problema mo sa pera, iyon ay ang iyong kapareha. Huwag mo siyang lampasan dahil siya ang dapat mong maging katuwang sa lahat ng suliranin na pagdaraanan ninyong dalawa. Masuwerteng numero; 2,9,13,24

DRAGON (DRAGON) Ngayon mo makikilala ang tunay na ugali ng isang hinahangaan. Dahil dito ay lalo kang hahanga sa kanya at buong maghapon siyang magiging laman ng isip mo. Aasa ka sa magandang patutunguhan ng nararamdaman mo para sa kanya. Masuwerteng numero; 14,26,28,32

AHAS (SNAKE) Labis mong ikababahala ang pagbabagong magaganap sa trabaho subalit sa huli ay ikatutuwa mo na hindi ka maaapektuhan ng pagbabagong ito. Gayunpaman, makakaramdam ka pa rin ng lungkot para sa iba na apektado. Masuwerteng numero; 5,15,44,49

KABAYO (HORSE) Hindi magiging sapat ang paghingi mo ng tawad sa chat para sa isang tao na nagawan mo ng kamalian. Kakailanganin mo siyang puntahan ng personal upang makapag-usap kayo ng maayos at maging okay ulit ang lahat sa pagitan nyo. Masuwerteng numero; 11,20,31,57

TUPA (SHEEP) Bago mo unahin ang kapakanan ng ibang tao ay ang kapakanan muna ng iyong pamilya. Sila ang higit na nangangailangan ng iyong atensyon. Sila rin ang siyang dadamay sa’yo sa mga oras na kakailanganin mo ng karamay. Masuwerteng numero; 53,67,70,71

UNGGOY (MONKEY) Isang lihim na tagahanga ang gagawa ng paraan para maging mabango ka sa mga nakatataas sa trabaho. Magiging magaan ang loob mo sa kanya dahil dito. Subalit huwag kalimutan na hindi rin maganda ang magpaasa kung wala ka namang nararamdaman para sa kanya. Masuwerteng numero; 3,12,25,30

TANDANG (ROOSTER) Matapos ang ilang araw na pananagana sa salapi ay ngayon mo mararamdaman ang kakapusan. Ngayon mo rin malalaman kung sinu sino lamang sa iyong mga kaibigan ang maaari mong malapitan sa oras ng pangangailangan. Masuwerteng numero; 6,17,19,40

ASO (DOG) Lilipas ang maghapon na wala kang matatapos dahil sa pagbababad mo sa social media. Kailangan mong baguhin ang ganitong sistema mo kung nais mo na may mabago sa iyong buhay. Dapat kang maging masipag at matiyaga. Masuwerteng numero; 21,31,52,65

BABOY (PIG) Isang bagong kaibigan ang makukuha mo mula sa social media. Paglalapitin kayo ng pagkakapareho nyo sa maraming bagay. Iwasan na magbigay agad ng tiwala. Hayaan na lang muna na mag grow pa ang inyong pagkakaibigan. Masuwerteng numero;20,35,47,77

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here