Chinese Horoscope, Oktubre 18, 2020

312

DAGA (RAT)

Hindi magkakaroon ng katapusan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nyo ng isang miyembro ng pamilya dahil sa patuloy ninyong pagpapataasan ng pride. Wala ka pa ring balak na sumuko o magpakumbaba.

Masuwerteng numero; 14,25,30,34

BAKA (OX)

Kahit na anong kumbinsi ang gawin mo sa isang kaibigan ay hindi pa rin siya sasagot ng oo para sa nais mong pakikipagsosyo sa bagong negosyo na sisimulan niya. Mas gusto niyang patakbuhin ito ng solo kaysa may kasosyo

Masuwerteng numero; 7,17,20,22

TIGRE (TIGER)

Iwasan mo muna ang kape hangga’t maaari. Ito ay maaaring magdulot ng hindi maganda sa iyong pangangatawan. Bago ang ibang bagay ay kailangan mo munang pagtuunan ng pansin ang iyong kalusugan.

Masuwerteng numero; 30,36,40,45

KUNEHO (RABBIT)

Mauubos ang oras mo at panahon sa maghapong ito sa kakaisip kung ano nga ba ang dapat mong gawin sa problema ng isang kapamilya. Malaking stress na ang idinudulot nito sa mga nakatatandang miyembro ng inyong pamilya.

Masuwerteng numero; 11,12,19,20

DRAGON (DRAGON)

Kakailanganin mo ang talas ng isip ngayon sa pagresolba ng problema ng iba. Gusto mong mapatunayan sa kanila na hindi totoo ang paratang nila sa’yo na makasarili kang tao.

Ipapakita mo sa kanila ang tunay mong malasakit.

Masuwerteng numero; 5,7,8,9

AHAS (SNAKE)

Alam mo na wala kang iba nmaaasahan ngayon kundi ang iyong sarili. Kaya naman pipilitin mo na maiwasang bilhin ang mga bagay na hindi mo naman gaanong kailangan upang makatipid at magkasya ang iyong budget.

Masuwerteng numero; 33,36,37,40

KABAYO (HORSE)

May magandang resulta ang isang nagwakas na proyekto. Yung akala mo ay wala itong pinatunguhan, subalit bago matapos ang araw na ito ay malalaman mo na meron din pala itong magandang idudulot sa’yo.

Masuwerteng numero; 3,4,13,14

TUPA (SHEEP)

May matututunan kang mahalagang bagay mula sa isang bagong kaibigan sa social media. Kaya naman magiging magaan ang loob mo sa kanya at magiging interesado ka pa sa maraming bagay tungkol sa kanya.

Masuwerteng numero; 1,2,3,4

UNGGOY (MONKEY)

Kahit na anong gawin mo ay hindi mo maiiwasan ang mga pekeng tao. Hindi mo rin maiiwasan na makipagplastikan dahil ayaw mo rin na magkaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan sa pagitan nyo.

Masuwerteng numero; 23,24,25,28

TANDANG (ROOSTER)

Maiibsan ang pangungulila mo sa isang tao na matagal mo ng hindi nakikita dahil ngayong araw ay magkakaroon ka ng pagkakataon na makausap siya kahit man lamang sa pamamagitan ng isang video call

Masuwerteng numero; 15,20,25,30

ASO (DOG)

Hindi mo na kakailanganing magpaliwanag sa iyong boss tungkol sa isang bagay na nagawa mo.Kahit hindi mo ito sabihin ay alam niya ang mga nangyayari sa loob ng inyong kumpanya at naintindihan ka niya.

Masuwerteng numero; 50,60,67,69

BABOY (PIG)

Kahit na nahihirapan ka na ay hindi ka pa rin susuko. Alam mo na ang lahat ng iyong ginagawang pagsasakripisyo ay para sa iyong pamilya at handa kang gawin ang lahat kahit nangangahulugan pa ito ng iyong paghihirap.

Masuwerteng numero; 33,34,44,45

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here