Chinese Horoscope, Oktubre 16, 2020

1459

DAGA (RAT)

May mga bagay kang lilinawin sa isang tao. Kung hindi mo ito malilinaw sa kanya at hindi niya maiintindihan ay posibleng lumala ang inyong hindi pagkakaunawaan. Kaya ngayon pa lang ay aayusin mo na.

Masuwerteng numero; 14,16,33,40

BAKA (OX)

Magkakaroon ka ng pagkakataon na kunin kung ano ang mga hararapat para sa’yo. Ipaglalaban mo sa iyong mga kamag-anak ang karapatan mo at hindi ka mabibigo dahil susuportahan ka ng iba sa kanila na malalapit sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,17,20,24

TIGRE (TIGER)

Kahit alam mong hindi pwede ay susubukan mo pa ring makalusot. Gagawin mo pa rin ang gusto mong gawin dahil ito lang ang alam mong paraan para magkaroon ng kita kahit papano para sa yong pamilyang naghihintay.

Masuwerteng numero; 16,26,28,30

KUNEHO (RABBIT)

Mauubusan ka ng dahilan ngayon sa harap ng iyong mga kaibigan kaya naman mas pipiliin mo na lang na manahimik sa loob ng bahay at maghanap ng ibang magagawa na magiging mas kapaki pakinabang para sa’yo.

Masuwerteng numero; 9,19,34,35

DRAGON (DRAGON)

Dahil sa maganda mong diskarte ay maraming mainggit sa’yo. Ang kanilang mga mata ay mananatiling nakatutok sa’yo. Pero sa halip na magpaapekto ay mas lalo mo pang gagalingan dahil iyon ang kailangan sa panahon na ito.

Masuwerteng numero; 35, 41, 45,49,

AHAS (SNAKE)

Mag-aaksaya ka lang ng iyong pagod sa lugar na pupuntahan nyo ngayon. Ang mga tao doon ay hindi makakayang i-appreciate ang inyong tulong dahil magkaiba ang paniniwala nyo at paninindigan pagdating sa pulitika.

Masuwerteng numero; 32,33,44,46

KABAYO (HORSE)

Sa araw na ito ay pagbibigyan mo ang iyong sarili na magrelax sa kabila ng mga alalahanin. Pansamantala mo munang itutuon ang atensyon sa mga bagay na malilibang ka at ang iyong pamilya tulad ng pagvivideoke.

Masuwerteng numero; 1,2,4,6

TUPA ( SHEEP)

Hindi ka mapapagod ngayon dahil marami sa miyembro ng iyong pamilya ang makakaisip gumawa sa bahay at tumulong. Dahil dyan, kahit papa’no ay maipapahinga mo ang iyong katawan. Gayundin ang iyong isipan.

Masuwerteng numero; 13,14,24,30

UNGGOY (MONKEY)

Sasawaan ka sa ginagawa mong pagtulong sa mga kamag-anak na sa tingin mo ay nangangailangan sa’yo. Hindi mo kasi makita o maramdaman na naa-appreciate nila ang tulong na ibinibigay mo sa kanila ngayon.

Masuwerteng numero; 4,11,23,27

TANDANG (ROOSTER)

Ikaw yung tao na hangga’t humihinga pa ay patuloy pa ring lalaban. Kaya anuman ang pagsubok na pinagdaraanan mo ngayon, gaano man ito kabigat ay mananatili kang nakangiti at nakatanaw sa pag- asa gaano man ito kalayo.

Masuwerteng numero; 13, 17,38, 41

ASO (DOG)

Sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari sa labas ay magiging maganda at maayos naman ang araw na ito para sa iyong pamilya. Magkakaroon kayo ng masayang bonding, food trip at mahabang pagkukuwentuhan.

Masuwerteng numero; 20, 23, 32, 37

BABOY (PIG)

Wala ng ibang mahalaga pa para sa’yo kundi ang iyong anak. Kaya naman gagawin mo ang lahat para lang hindi niya maramdaman ang hindi magandang sitwasyon na pinagdaraanan ng karamihan sa panahong ito.

Masuwerteng numero; 18,19,20,30

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here