Chinese Horoscope, Oktubre 15, 2020

818

DAGA(RAT)

Ang mga proyekto para ma ihayag ang iyong pagiging malikhain ang hihila sa iyo ngayon. Ikonsidera mo ang pagaaral o pagpapalalim ng iyong kagalingan sa iyong paburitong gawain. Magiging daan ito upang ma abot mo ang iyong ninanais.

Maswerteng numero 10, 20,21,34

BAKA(OX)

Walang malinay na daan at wala kang magagawa upang baguhin ang mga bagay na hindi mo naman kontrolado. Minsan kapag narerealize mo na wala kang magagawa upang baguhin ang isang bagay ay nalulungkot ka ngunit hindi naman talaga ito negatibo.

Maswerteng numero 7,8,19,20

TIGRE (TIGER)

Ang pangangati ng palad mo nitong nakaraang araw ay magkakaroon ng resulta ngayong araw. Dahil mahahawakan mo na sa palad mo ang perang hinihintay. Makakahinga ka ng maluwag kahit papa’no dahil mababayaran mo na rin ang ilang bayarin.

Masuwerteng numero, 50,56,58,62

 

KUNEHO (RABBIT)

Bago mo pag-isipan ang gagawing solusyon sa paparating na problema ay unahin mo munang resolbahin ang problemang nasa harapan mo na ngayon. Ito muna ang dapat mong bigyan ng aksyon upang hindi na lumala pa.

Masuwerteng numero; 15,20,22,24

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka mabibigo sa inaasam mong tagumpay ngayong araw dahil buo ang suporta sa’yo ng mga taong inaasahan mo na mag-aangat sa’yo sa karerang pinili mo sa iyong buhay. Malalasap mo ngayon ang lasa ng tagumpay.

Masuwerteng numero; 40,44,56,69

 

AHAS (SNAKE)

Huwag masyadong magtiwala sa mga tao na bago mo pa lang nakikilala lalo iyong mga nakilala mo lang sa internet. Malaki ang posibilidad na malit ka at magkamali ng pasya dahil sa labis at bilis mong magbigay ng tiwala.

 

Masuwerteng numero; 5,8,9,13

 

KABAYO (HORSE)

lsang dati ng kaibigan ang magsisiwalat sa’yo ngayon ng isang sikreto at dadaanin niya ito sa messenger. Hindi naman magiging mahirap sa’yo na paniwalaan ang kanyang ibubunyag dahil alam mo rin ang likaw ng bituka ng taong involve rito.

Masuwerteng numero; 4,13,14,25

TUPA (SHEEP)

Wala kang masasabi sa buti ng kalooban na ipapakita sa’yo ng isang bagong kaibigan. Maaalala mo sa kanya ang isang kaibigan na matagal ng yumao. Ang hindi mo lang magugustuhan ay ang mga tao na nakapaligid sa kanya.

Maswerteng numero 13 24 25 38

 

UNGGOY (MONKEY)

Hindi ka mahilig magluto pero ngayong araw a maaakit ka na subukan ang isang bagong lutuin na mapapanood mo sa internet. Susubukan mo itong gayahain para maihain sa mga mahal mo sa buhay na kasama mo sa bahay.

Masuwerteng numero; 67,68,70,79

TANDANG (ROOSTER)

Ikagaganda ng araw mo ang magandang balitang makakarating sa’yo kaugnay sa iyong trabaho. Ito ay ang papuri na ipahahatid sa’yo ng iyong boss dahil sa katatapos mo lang na proyekto na naging matagumpay.

Masuwerteng numero; 30,35,40,41

 

ASO (DOG)

Sa araw na ito ay pairalin mo ang pagiging sensitibo. Ito ay dahil hindi mo gustong napag uusapan at nakakaladkad ang pangalan ng taong malapit sa’yo dahil lang sa hindi makatarungang panghuhusga ng iba.

Masuwerteng numero; 5,15,20,21

 

BABOY (PIG)

Wala kang dapat ipag-alala sa isang kamag-anak na may hawak ng iyong sikreto. Wala siyang kabalak balak na ilaglag ka sa anumang paraan kung kayat wala man kayong komunikasyon ngayon ay maaari ka ng mapanatag

Masuwerteng numero; 33,35,40,42

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here