Chinese Horoscope Oktubre 12

0
394

DAGA (RAT)

Masusubukan ang iyong pasensya ngayong araw. Huwag kang magpapadala sa bugso ng iyong damdamin dahil ikapapahamak mo ito sa hinaharap. Ang dapat mong gawin ay kumalma para makapag-isip ng tama.

Masuwerteng numero; 2,3,7,9

BAKA (OX)

Magiging mahirap para sa’yo ang bagong trabaho pero sa umpisa lang naman ito. Makakasanayan mo rin lalo na at madali ka namang matuto. Magpokus ka lang sa iyong trabaho at huwag pakinggan ang tsismisan ng mga kasamahan.

Masuwerteng numero; 4,9,11,12

TIGRE (TIGER)

Maganda ang pagkakataong ito para lumabas at maglibang. Bukod sa maaliwalas na panahon ay maaliwalas rin ang isip mo dahil sa sunud-sunod na blessings. Samantalahin mo ang magandang pangyayaring ito sa iyong buhay.

Masuwerteng numero; 7,8,10,15

KUNEHO (RABBIT)

Hindi totoong malas ka, sadyang may pagkakataon lang na hindi umaayos sa’yo ang kapalaran. Huwag kang panghihinaan ng loob . Ipagpatuloy mo lang ang iyong mga plano at gawing makabuluhan ang bawat araw pang lilipas.

Masuwerteng numero; 5,7,12,16

DRAGON (DRAGON)

Mabilis mong matatapos ang gawain ngayon dahil wala ang mga istorbo. Kaya gawin mo na ang lahat ng kailangan mong gawin para pagdating nila ay magpapahinga ka na lang kasama sila bilang bonding. Iyan ang routine na dapat mong makasanayan.

Masuwerteng numero; 1,11,19,20

AHAS (SNAKE)

Isang tao na hindi nakakakilala sa’yo ng lubos ang gagawa ng usap tungkol sa’yo. Hindi mo ito dapat ikabahala dahil ang gagawin niyang ito ang siyang magiging daan para sa isang magandang oportunidad na hindi mo inaasahan.

Masuwerteng numero; 6,7,8,9

KABAYO (HORSE)

Huwag kang magpatumpik tumpik sa trabaho. Hindi porket pinagkakatiwalaan ka ng boss mo ay magpapabandying bandying ka na lang. Gawin mo ng tama at maayos ang trabaho mo kung ayaw mo itong masulot ng iba.

Masuwerteng numero; 4,6,12,13

TUPA (SHEEP)

Makakaramdam ka ng panlulumo ngayong araw dahil sa isang mahalagang bagay na mawawala sa’yo. Kailangan mong tanggapin ang pangyayaring ito. Ang importante ay buhay ka at maari mo pang pagtrabahuhan ang nawala sa’yo.

Masuwerteng numero; 2,5,17,20

UNGGOY (MONKEY)

Masyado kang maraming plano ngayong araw. Ang daming tumatakbo sa isip mo kaya hindi mo malaman kung ano ang dapat mong unahin. Pag-isipan mong mabuti ang lahat at gawing prayoridad ang malapit sa katotohanan.

Masuwerteng numero; 6,7,8,9

TANDANG (ROOSTER)

Anumang gawin mo, masama man o mabuti ay may balik na karma, its either good karma or bad karma kaya may choices ka. Huwag kang magpapaimpluwensya sa mga tao sa paligid mo na ang hangad ay ang iyong pagbagsak.

Masuwerteng numero; 6,12,15,18

ASO (DOG)

Malulungkot ka dahil sa pag-alis niya. Iniisip mo kasi na kapag umalis siya ay magwawakas na ang lahat sa inyong dalawa. Sa halip na mag-emote ay gawin mo itong inspirasyon at motibasyon para sa ikagaganda ng inyong relasyon kahit pa magkalayo kayo.

Masuwerteng numero; 1,2,9,10

BABOY (PIG)

Maganda ang dalang pangako ng araw na ito para sa’yo. Huwag mo ng kontrahin para hindi mabaraw. Magtiwala ka na lang at manalangin at mapapasaiyo ang suwerteng ihahatid ng maghapon. Hindi masamang umasa.

Masuwerteng numero; 4,13,14,18

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here