Chinese Horoscope Oktubre 11

0
262

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Sa wakas ay makukuha mo rin ngayong araw ang gusto mo. Hindi man lahat at least ay may makakamit ka ngayon. Konting dagdag pa sa iyong pagsisikap at tyaga ay makukuha mo rin lahat. Matutong magpasalamat sa Diyos.

Masuwerteng numero; 8,9,11,15

BAKA (OX)

Kailangan mong baguhin ang routine mo ngayon. Pag-isipan mo kung paano mo mapapagkasya ang lahat ng gawain sa loob ng isang araw. Yung mga hindi gaanong importante ay ilipat mo na lang sa araw na medyo maluwag ka.

Masuwerteng numero; 1,10,11,12

TIGRE (TIGER)

May isang tao na lalapit sa’yo para makiusap. Pakinggan mo ang kanyang sasabihin at subukan siyang unawain. Ikaw lang ang tao na naisip niyang maaaring makatulong sa kanya. Kung kaya mo rin lang ay tumulong ka na kaysa ikaw ang humihingi ng tulong.

Masuwerteng numero; 4,5,6,9

KUNEHO (RABBIT)

Ito ang araw na maninimbang ka sa dalawang tao na malapit sa’yo. Pareho silang may katuwiran para sa’yo kaya hangga’t maaari ay ayaw mong pumili ng papanigan. Tama ang iyong desisyon. Ang pagdistansya mo sa kanilang dalawa pansamantala ay hindi nangangahulugan ng tuluyan mong pag-iwas sa kanila.

Masuwerteng numero; 2,12,14,18

DRAGON (DRAGON)

Mahal mo ang asawa mo kaya natural lang na ipagtanggol mo siya. Subalit minsan ay kailangan mo rin tumingin sa katuwiran kung siya nga ba talaga ang tama o may pagkakamali. Dapat kang maging patas sa lahat lalo na kung sarili mong magulang  ang iyong kinakalaban.

Masuwerteng numero; 3,4,16,17

AHAS (SNAKE)

Hindi madali ang pinagdadaanan ng iyong kapatid. Kahit pa may kasalanan siya sa mga nangyari ay kailangan niya pa rin ang iyong suporta at higit sa lahat ay pang-unawa. Ngayong araw ay may pagkakataon ka para maipadama mo ito sa kanya.

Masuwerteng numero; 2,3,7,8

KABAYO (HORSE)

Lahat ng gagawin mo ngayong araw ay under observation sa trabaho. May naninira kasi sa likuran mo na gustong gusto ang puwesto mo kaya ang nakakataas sa’yo ay mapipilitang matyagan ka para malaman ang katotohanan sa likod ng mga usapan.

Masuwerteng numero; 8,9,10,13

TUPA (SHEEP)

Mahalaga ang araw na ito para bisitahin ang iyong mga magulang. Kahit gaano ka kaabala sa iyong trabaho huwag na huwag mong kakalimutan na paglaanan sila ng oras kahit papa’no dahil matatanda na sila at hinahanap hanap nila ang iyong presensya.

Masuwerteng numero; 4,7,9,15

UNGGOY (MONKEY)

Hindi na bago sa’yo ang pangyayari ngayong araw. Pero aminin mo man at hindi, masaya ka na nakita mong muli ang iyong mga dating kaibigan. Magpasalamat ka dahil sila ang gumagawa ng way para mapalapit sa’yo.

Masuwerteng numero; 12,16,17,18

TANDANG (ROOSTER)

Magkakamali ka ng desisyon ngayon pero hindi ibig sabihin nito ay hindi ka na pwedeng bumangon. Maliit na bagay lang ang pagkakamali mong ito kumpara sa mga pagkakamaling nalampasan mo kaya tumayo ka na at ayusin ito.

Masuwerteng numero; 2,3,6,10

ASO (DOG)

Malalaman mo kung sino talaga ang tunay na concern sa’yo sa nagpapakitang gilas lang sa iba. Pero huwag kang magpapahalata na alam mo na ang lahat. Hindi na mahalaga ang komprontasyon dahil wala siyang balak umamin kaya mas mabuting sarilinin mo na lang at gawin ang dapat mong gawin.

Masuwerteng numero; 4,8,14,15

BABOY (PIG)

May pagkakataon ka ngayon para tapusin ang nasimulan mong trabaho na ilang araw mo nang ibinibinbin dahil lang sa hindi mahalagang bagay. Matutong mag manage ng oras para walang pagsisihan sa huli.

Masuwerteng numero; 7,8,9,17

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here