Chinese Horoscope; Oktubre 1

298

DAGA (RAT)

Hindi ka na mahihirapan na gawin ang gusto mo sa araw na ito dahil ang tao na nagbibigay ng stress sa’yo at pumipigil sa mga plano mo ay hindi mo na makakasama simula sa araw na ito. Kaya mapapanatag ka na.

Masuwerteng numero; 3,6,8,9

BAKA (OX)

Wala kang dapat ipag-alala sa bagong bahay na malilipatan nyo. Hindi man ito kasing laki at kasing ganda ng inyong inalisan ay sigurado naman na magiging komportable ang buo ninyong pamilya, lalo ka na.

Masuwerteng numero; 38,39,40,42

TIGRE (TIGER)

May mga bagay na sadyang mahihirapan kang tanggapin dahil taliwas sa iyong paniniwala. Pero wala kang magagawa kundi palampasin ito dahil alam mo rin na hindi lahat ay makokontrol mo kaya mananahimik ka na lang.

Masuwerteng numero; 21,22,25,27

KUNEHO (RABBIT)

May magandang libangan kang pagkakaabalahan ngayon araw. Dahil dito ay pansamantala mong makakalimutan ang mga problemang kinakaharap mo ngayon. Maiisipan mo rin itong ibahagi sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 31,33,40,45

DRAGON (DRAGON)

Isang bagong kakilala ang magiging daan para matunton mo ang isang dating kaibigan na matagal mo na ring hinahanap. Sa pamamagitan niya ay makikita mo itong muli at makakausap sa mga darating na araw.

Masuwerteng numero; 10,11,13,15

AHAS (SNAKE)

May taglay kang suwerte ngayon sa pananalapi. Subalit hindi ibig sabihin na kapag nakahawak ka nito ay hindi mo na kokontrolin ang sarili mo sa paggastos. Marami kang haharapin na gastusin sa mga susunod na araw.

Masuwerteng numero; 60,67,69,71

KABAYO (HORSE)

Hindi mo pa mararamdaman ang epekto sa’yo ng kawalan mo ng trabaho sa ngayon dahil meron pang tao na susuporta sa mga pangangailangan mo at ng iyong pamilya. Pero dapat mo ring isipin na pansamantala lamang ito.

Masuwerteng numero; 32,24,28,42

TUPA (SHEEP)

Labis mong ipagtataka ang paglayo sa’yo ng isang malapit na kaibigan. Wala kang ideya sa kanyang dahilan dahil wala naman kayong kahit na anong hindi pinagkasunduan. Magugulat ka na lang na binlock ka na pala niya sa kanyang social media account.

Masuwerteng numero; 20,30,40,50

UNGGOY (MONKEY)

Sa araw na ito ay makakaramdam ka ng kapanatagan kahit papa’no dahil alam mo sa sarili mo na sinisikap mo ng alisin sa isip mo ang pagiging negatibo sa ilang aspeto sa iyong buhay kaya umaasa ka na magiging maayos na ang lahat. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 46,50,58,64

TANDANG (ROOSTER)

Hindi magiging madali sa’yo na harapin ang nagawa mong pagkakamali sa isang nakatatandang miyembro ng pamilya dahil may kataasan ang iyong pride. Pero sa pagkakataong ito ay kakailanganin mo itong ibaba.

Masuwerteng numero; 14,20,24,26

ASO (DOG)

Sa tagal mo na sa iyong trabaho ay ngayon ka lamang mabibigyan ng pagkakataon para sa isang magandang oportunidad na magpapakita ng kagalingan mo sa iyong trabaho. Huwag mo na itong palampasin.

Masuwerteng numero; 1,2,4,7

BABOY (PIG)

Isang tao ang magtatangka na sirain ka sa mga tao na may malaking pagtitiwala sa’yo. Pero wala kang dapat ipag-alala dahil mananatiling nasa sa’yo ang loyalty nila. Hindi ka maaapektuhan ng paninirang ito sa’yo.

Masuwerteng numero; 18,28,30,35

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here