Chinese Horoscope Nobyembre 8

0
340

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Isang kaibigan ang magpapakita sa’yo ng interes. Hindi ka interesado sa kanya kaya gagawin mo ang lahat ng pag-iwas. Umiikot ang mundo mo sa taong tanging mahal mo kaya kahit anong gawin ng iyong kaibigan ay mahihirapan siyang kunin ang atensyon mo.

Masuwerteng numero; 4,6,8,10

BAKA (OX)

Mananariwa lahat sa isip mo ang mga alaala ng kahapon kasama ang iyong ex. Ito ay dahil lang sa simpleng pagdaan niya sa newsfeed mo. Makakaramdam ka ng lungkot pero hindi mo ito kailangang inurture ang isiping ito. Mas magaganda ang mga magagawa mong alala sa future kasama ang iba.

Masuwerteng numero; 1,2,11,13

TIGRE (TIGER)

Gagawin mong kapaki-pakinabang ang araw na ito. Ang dahilan ay ang iyong pagkainip. Hindi ka na nag-eenjoy sa araw-araw mong routine kaya mag-iisip ka ng mga bagay na magbibigay sa’yo ng excitement at mapapakinabangan mo.

Masuwerteng numero; 11,16,17,20

KUNEHO (RABBIT)

Susubukan mong pasukin ang isang negosyo gaya ng sa kaibigan mo. Nakikita mo kasi na maganda ang pasok ng suwerte sa kanya dahil dito. Pero ang nakikita mo sa kanya ay hindi mo makikita sa’yo dahil magkaiba kayo ng kapalaran at iba ang linyang para sa’yo.

Masuwerteng numero; 2,3,13,15

DRAGON (DRAGON)

Isang utos ang susuwayin mo mula sa nakatataas. Hindi naman sa ayaw mo talaga itong sundin kundi sa iyong palagay ay hindi ito makabubuti para sa nakararami. Maganda naman ang iyong intensyon pero kailangan mo ring siguraduhin na hindi ka mawawalan ng trabaho dahil dito.

Masuwerteng numero; 1,7,9,10

AHAS (SNAKE)

May importanteng bagay kang makakalimutan ngayong araw. Magiging dahilan ito para magtampo ang isang kaibigan. Hindi mo naman ito sasadyain kaya wala kang ibang dapat gawin kundi humingi ng paumanhin.

Masuwerteng numero; 4,5,11,12

KABAYO (HORSE)

Yayayain ka ng date ng iyong mahal. Syempre gustong gusto mo ito, kaya lang ay may mga bagay kang dapat unahin kaysa dito. Hindi maganda ang timing ng pag-aaya niya kaya naman maiipit ka sa sitwasyong kakailanganin mong mamili.

Masuwerteng numero; 2,7,10,14

TUPA (SHEEP)

Magiging mabait sa’yo ngayon ang kapalaran. Pagtatagumpayan mo ang isang bagay na maaaring simple lang sa iba pero malaking bagay para sa’yo. Namnamin mo na lang ito kaysa intindihin ang hindi magagandang salita na maririnig mo bago matapos ang araw.

Masuwerteng numero; 6,8,13,15

UNGGOY (MONKEY)

Tatambakan ka ng boss mo ng trabaho. Magkakaroon ka ng konting pagdududa sa sarili mo kung kakayanin mong lahat ito. Pero no choice ka kundi buuin ang lakas ng loob mo dahil para sa’yo din ang mga blessings na’to.

Masuwerteng numero; 5,6,7,8

TANDANG (ROOSTER)

Sobrang hectic ang araw na’to kahit dapat ay rest day mo. Marami kasi ang mag-aaya sa’yong lumabas para maka-bonding ka. Dapat mong piliin ang iyong pamilya. Mas makabuluhan ang bonding kasama sila kaysa sa barkada at sa kung sinu-sino pa.

Masuwerteng numero; 4,16,17,18

ASO (DOG)

Makakaramdam ka ng excitement sa malalaman mong balak na pagbisita ng isang mahalagang tao. Para sa’yo ay bihira lang itong mangyayari sa buhay mo kaya kailangan mong paghandaan. Sisiguraduhin mo na mag-eenjoy siya sa kanyang pagbisita.

Masuwerteng numero; 5,9,10,11

BABOY (PIG)

Isang hindi inaasahang pangyayari ang magaganap ngayong araw sa pagitan mo at ng isa sa mga kamag-anak mo. Sa dinami rami ng tao sa mundo ay siya pa talaga ang makikita mo kasama ang hindi inaasahang tao. Manahimik na lang muna at pag-isipan kung dapat itong ipaalam sa iba.

Masuwerteng numero; 7,8,16,19

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here