Chinese Horoscope; Nobyembre 8

295

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Huwag mahiyang ipakita sa lahat ang iyong talento. Hindi ito ibinigay ng Diyos sa’yo para lang itago mo. May mga taong hahanga sa’yo at meron din namang hindi. Subalit anuman ang kahinatnan, dapat kang maging proud.

Masuwerteng numero; 34,35,46,51

BAKA (OX)

Hindi mo magagawang tugunan ang problema ng iyong kamag-anak kahit pa gustuhin mo dahil wala ka sa posisyon ngayon para tumulong. Kailangan mo munang matapos ang sarili mong problema bago ang sa iba.

Masuwerteng numero; 11,13,20,30

TIGRE (TIGER)

Magkakaroon ka ng pagdadalawang isip na ituloy ang isang proyekto na nasimulan mo na dahil sa ilang hindi magandang bagay na malalaman mo tungkol dito. Mag-obserbang mabuti at timbangin ang sitwasyon upang hindi magkamali ng pasya.

Masuwerteng numero; 1,4,6,9

KUNEHO (RABBIT)

Mararamdaman mo ang panlalamig ng karelasyon mo sa’yo. Bago gumawa ng hakbang ay alamin muna ang kanyang dahilan. Hindi lahat ng pagkukulang at pagkakamali ay sa kanya. May kailangan ka ring ituwid.

Masuwerteng numero; 22,34,41,50

DRAGON (DRAGON)

Iwasan ang malimit na pagbago-bago ng isip. Magiging dahilan ito para makaalpas sa kamay mo ang isang maganda at malaking oportunidad. Pakinggan mo ang sariling kagustuhan at hindi ang iba’t-ibang opinyon ng mga kaibigan.

Masuwerteng numero; 20,35,45,48

AHAS (SNAKE)

Panahon na upang iprayoridad mo naman ang iyong sariling pamilya. Sapat na ang oras at panahon na nailaan mo sa barkada. Kailangan mo nang maging matured kung gusto mo ng payapa at maayos na buhay pamilyado.

Masuwerteng numero; 23,33,54,60

KABAYO (HORSE)

Sa ayaw at sa gusto ng iyong mga kaanak ay ikaw pa rin ang magpapasya kung ano ang sa tingin mo ay makakabuti para sa iyong pamilya. Huwag mong hayaan na makapangyari sila sa’yo dahil hindi nila alam ang tunay na pinagdaraanan mo.

Masuwerteng numero; 13,14,27,38

TUPA (SHEEP)

Ang buong araw mo ay matutuon sa napakaraming gawaing bahay na naghihintay sa’yo. Sa kabila ng nakakapagod na maghapon ay magiging magaan pa rin ang pakiramdam mo sa gabi dahil mapapahimbing ka sa tabi ng iyong mahal.

Masuwerteng numero; 52,66,69,73

UNGGOY (MONKEY)

Huwag mong gawing basehan ang mga larawan sa social media para husgahan ang iyong karelasyon. Mas makakabuti kung siya muna ang kakausapin mo tungkol dito at aalamin ang totoo bago ka magbitaw ng pasya.

Masuwerteng numero; 41,47,74,79

TANDANG (ROOSTER)

Hindi maganda ang araw na ito para sa iyong negosyo. Subalit hindi dapat makaramdam ng kawalan ng pag-asa dahil isang araw lang naman ito kumpara sa napakaraming araw pa na darating na maaaring maging mas maganda para sa’yo.

Masuwerteng numero; 20,24,25,53

ASO (DOG)

Makakaramdam ka ng hindi maganda sa katawan. Subalit hindi nito mapipigilan ang kagustuhan mo na makarating ngayon sa isang mahalagang event. Walang makakahadlang sa’yo kahit pa indahin mo ito sa buong maghapon.

Masuwerteng numero; 56,67,80,81

BABOY (PIG)

Walang mahalagang pangyayari ngayong araw para sa’yo. Same routine. Kaya naman makakaramdam ka ng bugnot at pagkainip. Susubukan mong kumontak ng mga kaibigan na makakasama subalit wala isa man sa kanila ang available ngayong araw na’to.

Masuwerteng numero; 11,15,17,19

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here