Chinese Horoscope, Nobyembre 30, 2020

933

Daga (Rat)

Huwag mo na intindihin ang dati mong kaopisina na naging dahilan ng pagre-resign mo. Wala naman kasi siyang narating sa buhay niya dahil pinarusahan siya ng kanyang kapalaran. Nakarma siya sa masasamang ginagawa niya. Masuwerte ka na kaya patawarin mo na siya. Kung uutangan ka niya, pautangin mo. Kapag tinulungan mo ang isang kaaway, mas pagpapalain ka pa.

Masuwerteng numero; 34, 36, 47, 54

Baka(Ox)

Maganda naman ang solusyon mo pero mas maigi kung mas pagagandahin mo siya. Ang pagiging the best ang tanging paraan para ikaw ay magtagumpay. Masuwerte sa’yo ang kulay ng bahaghari. Iwasan mo na lamang ang magpagabi sa daan para hindi ka mapahamak.

Masuwerteng numero; 2, 19, 31, 46

Tigre (Tiger)

Kailangan mo ng kaibigan ngayon kaya tawagan mo ang kaibigan mong matagal mo ng hindi nakikita. Kalimutan mo na ang sama ng loob sa kanya. Kung nakagawa siya sa’yo ng pagkakamali, isipin mo rin ang kabutihang nagawa niya sa’yo. Masuwerte ka sa numero 6.

Masuwerteng numero; 14, 27, 30, 50

Kuneho (Rabbit)

Ang problema, huwag mong dalhin sa trabaho. Iwanan mo ‘yan sa bahay dahil hindi ‘yan makakabuti para sa’yo. Nega ang vibes mo ngayon kaya huwag kang maghagilap ng suwerte. Katunayan nilalayuan ka ng suwerte dahil sa pinagdaraanan mo.

Masuwerteng numero; 23, 36, 56, 59

Dragon

Sana maging maliwanag na sa’yo ang lahat. Mag-isip ka kasi ng husto. Mapalad ka sa kulay green at numero 15.

Masuwerteng numero;  13, 18, 25, 61

Ahas (Snake)

Kung nabu-bored ka ngayon, mag-isip ka ng magandang paraan para maging maganda ang araw mo. Masuwerteng numero;  5, 35, 60 62

Kabayo (Horse)

Maganda ang kapalaran mo kung hindi ka magagalit. Walang magandang ibibigay sa’yo ang negatibong emosyon kaya palisin mo ang galit sa’yong puso.

Masuwerteng numero; 35, 37, 44, 59

Tupa(Sheep)

Tanggapin mo na hindi lahat ng tao ay may magandang intensyon. Marami riyan ay nagpapanggap lang. 

Masuwerteng numero; 2, 22, 32, 48

Unggoy (Monkey)

Matuto kang makinig. Hindi porke matalino ka, alam mo na ang lahat. Marami ka pang hindi alam kaya tigilan ang pagdudunung-dunungan. Masuwerte ka sa numero 7 at kapag sinabayan mo pa ng pagsusuot ng puti.

Masuwerteng numero;  27, 45, 53, 63

Tandang(Rooster)

Bigyan mo naman ng oras ang iyong pamilya. Huwag naman iyong palagi na lang trabaho. Aba, lawakan mo naman ang iyong mundo. Mamasyal ka rin.

Masuwerteng numero; 6, 17, 40, 68

Aso (Dog)

Mas importante ang malinis na konsensiya kaysa pera. Kaya, huwag gumawa ng masama. Ikapapahamak mo ‘yan pati na ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 33, 41, 51, 54

Baboy(Pig)

Ano nga ba ang importante sa’yo? Pakaisipin mo ‘yan para ‘yan ang pagtuunan mo ng pansin. Huwag ka lang sana maging maluho dahil hindi lang naman pera ang makapagpapasaya sa’yo. Mas mapapangiti ka nga kapag kasama mo ang iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 14, 20, 46, 47

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here