Chinese Horoscope, Nobyembre 29, 2020

1118

Daga (Rat)

Dahil sa maling nagawa mo sa buhay, wala kang ginawa kundi ang umiwas. Hindi dapat ganoon ang buhay. Mas maigi kung itatama mo ang maling nagawa mo. Kapag hindi mo gagawin ‘yan, habambuhay kang mamalasin.

Masuwerteng numero; 16, 26, 38, 59

Baka(Ox)

Ano nga ba ang sekreto ng matagumpay na pagmamahalan. Irespeto, pagkatiwalaan at mahalin mo siya ng buung-buo. Mapalad ka at ang natagpuan mo ay mahal kang talaga kaya huwag mo na siyang pawawalan pa.

Masuwerteng numero; 32, 38, 51, 60

Tigre (Tiger)

Hindi makabubuti sa relasyon ang madalas na pag-aaway. Kaya easy ka lang d’yan. Kung may problema, pag-usapan. Huwag magsisinghalan dahil malaki ang tsansa na mauwi lang kayo sa hiwalayan.

Masuwerteng numero; 4, 15, 23, 42

Kuneho (Rabbit)

Hindi lahat ng cute ay dapat na mahalin. Mayroon diyan, nagpapangap lang. Mas mahal pa ang laman ng bulsa mo kaysa sa’yo mismo. Kaya, mag-ingat ka. Malas ka sa mga bola dahil madalas ka ring mabola.

Masuwerteng numero; 19, 31,33, 44

Dragon

Malaki ka man, huwag kang mawalan ng self confidence. Hindi ‘yan makabubuti para sa’yo. Kailangan ngang magmalaki ka sa rami ng achievements mo. Kapag nakakaramdam ka ng takot, alalahanin mo ang mga medalya at trophy.

Masuwerteng numero; 6, 9, 19, 38

Ahas (Snake)

Habang may buhay ay mayroong pag-asa ngunit huwag ka namang umasa pa gayung alam mo na naman ang katotohanan. Hindi ka mahal ng mahal mo. Tanggapin mo iyon. Ibaling mo na kasi sa ibang bagay ang iyong atensyon.

Masuwerteng numero; 34, 36, 47, 54

Kabayo (Horse)

Huwag mong isiping in love ka sa isang tao dahil bumibilis ang pintig ng puso mo. Mayroon lang talagang problema ang iyong puso. Kaya, magpa-check-up ka na. Baka kung ano pang mangyari sa’yo kapag pinabayan mo ang iyong sarili.

Masuwerteng numero; 1, 11, 40, 50

Tupa(Sheep)

Magpakatotoo ka. ‘Yan kasi ang hirap sa’yo, dahil ayaw mong makasakit hindi ka nagsasabi ng totoo. Maling-mali ka naman doon. Mas pinahihirapan mo lang kasi ang iyong sarili. Hindi bale, sasabihin ko na lang kung ano ang mapalad mong kulay. Asul.

Masuwerteng numero; 21, 23, 33, 62

Unggoy (Monkey)

Hindi lahat ng tumatawa ay walang problema. Ikaw kasi, kahit humahalakhak ka, mabigat pa rin ang dibdib mo. Kailangan mo ng kaibigan na dadamay sa’yo.

Masuwerteng numero; 13, 27, 45, 49

Tandang(Rooster)

Tapusin mo na ang iyong trabaho para magawa mo na kung ano ang iyong gusto. Huwag lang masyadong mag-e-enjoy dahil baka mapahamak ka pagkaraan. Mapalad ka sa kulay dilaw at numero sais.

Masuwerteng numero; 3, 36, 46, 58

Aso (Dog)

Ipagmalaki mo ang kabutihang iyong nagawa. Tiyak na hindi ka makakalimutan ng mga natulungan mo. Hinay-hinay lang sa pagtatrabaho dahil baka magkakaroon ng problema ang iyong kalusugan.

Masuwerteng numero; 47, 51, 60, 69

Baboy(Pig)

Maniwala at magtiwala ka. ‘Yan ang kailangan mong gawin para ikaw ay magtagumpay. Pula ang kulay na piliin mo.

Masuwerteng numero; 8, 30, 54, 66

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here