Chinese Horoscope Nobyembre 26, 2021

198

DAGA (RAT)

Medyo mailap pa ang suwerte para sa’yo sa araw na ito. Kailangan mo lang ipagpatuloy ang iyong daily routine. Iwasan ang magreklamo dahil nakakaharang ang negatibong isipin sa pagdaloy ng suwerte sa iyong buhay.

Masuwerteng numero; 12,16,20,21

BAKA (OX)

Kakailanganin mo pang habaan ang  iyong pasensya para sa iyong mga anak. Higit kaninuman ay ang pang-unawa mo at paggabay ang siyang makapagbibigay sa kanya ng kaliwanagan sa mga bagay na hindi niya naiintindihan.

Masuwerteng numero; 5,31,35,47

TIGRE (TIGER)

Sa araw na ito ay mapagtatanto mo ang isang kamalian na iyong nagawa. Totoo ang kasabihan na sa sampung kabutihan na nagawa mo ay ang isang pagkakamali ang siyang mangingibabaw at maaalala nila sa’yo.

Masuwerteng numero; 33,42,46,64

KUNEHO (RABBIT)

Isang event ang dadaluhan ng biglaan. Bagamat hindi ka prepared para rito ay mag-eenjoy ka pa rin. Magiging masaya ka sa bawat oras na lilipas kasama ang iyong mga kaibigan. Magkakaroon din ng mga bagong kakilala.

Masuwerteng numero; 35,38,40,55

DRAGON (DRAGON)

Isang kaibigan na nangangailangan ng tulong ang pagmamalasakitan mo. Ang ini-expect mong pasasalamat mula sa kanya ay hindi mo pa makukuha sa ngayon. Gayunpaman, willing ka pa ring tulungan siya sa ibang pagkakataon.

Masuwerteng numero; 4,10,13,17

AHAS (SNAKE)

Hindi ka magdadalawang isip na subukan ang isang bagay na sa tingin mo ay kaya mo namang gawin. Kahit na marami pa ang nagsasabing hindi pa ngayon ang tamang panahon ay wala pa ring makakapigil sa’yo.

Masuwerteng numero; 30,35,43,50

KABAYO (HORSE)

Iwasang maglakad sa mga kalye na hindi matao. Malapit ka ngayon sa kapahamakan kaya kakailanganin mong magdoble ingat. Hangga’t maaari ay huwag maglalakad o bibiyahe ng nag-iisa upang malihis sa napipintong kapahamakan.

Masuwerteng numero; 24,35,56,58

TUPA (SHEEP)

May mga bagay na sadyang hindi para sa’yo kaya kahit na anong gawin mo ay hindi ito mapapasa’yo. Hintayin mo na lamang na dumating sa palad mo kung ano talaga ang nakalaan na para sa’yo at hindi ka mabibigo.

Masuwerteng numero; 28,33,42,49

UNGGOY (MONKEY)

Ang mga lihim niyang pagsulyap sa’yo at mga pasimpleng ngiti sa tuwing magkakatinginan kayo ay isang palatandaan na meron siyang lihim na damdamin para sa’yo tulad ng nararamdaman mo para sa kanya. Hayaan mo lang muna at huwag maging atat.

Masuwerteng numero; 1,6,21,29

TANDANG (ROOSTER)

Sa araw na ito ay mararanasan ang nakakabugnot na haba ng oras sa gitna ng traffic. Wala kang magagawa kundi ang maghintay at habaan pa ang pasensya sa daan. Magiging maganda naman ang oras sa bandang gabi.

Masuwerteng numero; 16,25,41,53

ASO (DOG)

Sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mo siyang pakawalan. Kung hindi mo ito gagawin ay lalo mo lamang palalalain ang sitwasyon sa pagitan mo at nila. Harapin mo ang problema ng taas noo at iyo itong malalampasan.

Masuwerteng numero; 13,14,24,39

BABOY (PIG)

Maganda ang naghihintay sa’yo sa hinaharap kaya huwag mo nang lingunin ang iyong nakaraan dahil pahihirapan lang nito ang damdamin mo at hindi ka makaka-forward sa mas maaliwalas na bukas para sa’yo.

Masuwerteng numero; 4,6,8,9

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here