Chinese Horoscope, Nobyembre 26, 2020

1067

Daga (Rat)

Matuto kang makinig sa opinyon ng iba, lalo na ng matatanda. Kung babalewalain mo sila, siguradong mapapahamak ka lang. May nakaamba kasing panganib sa’yo.

Masuwerteng numero; 37, 41, 60, 66

Baka(Ox)

Tigilan mo na ang pagpapanggap. Hindi ‘yan makakatulong para ikaw ay magkaroon ng magandang buhay.  Masuwerte ka sa kulay asul. 

Masuwerteng numero; 6, 29, 33, 38

Tigre (Tiger)

Huwag kang magpalinlang sa mga taong magaling lang mangako. Ikaw din kasi ang magiging kawawa niya. Plano niyang iwanan kang luhaan. Matapos niyang kunin ang lahat ng gusto niya sa’yo, tatakasan ka rin niya. Malas ka sa guwapo dahil ang natatagpuan mo, manloloko.

Masuwerteng numero; 10, 20, 45, 48

Kuneho (Rabbit)

Tigilan mo na pagsuway sa utos. Malas ka pa naman sa araw na ito. Kaya, mabuti pang matulog ka na lang. Baka bukas, suwertehin ka na.

Masuwerteng numero; 3, 26, 51, 55

Dragon

Dumistansiya ka na sa mga taong wala namang gustong gawin kundi saktan ka. Iligtas mo na ang iyong sarili dahil mapapahamak ka lang. Ibang klase ka pa namang magalit. Masama. Huwag mong dumihan ang palad mo.

Masuwerteng numero; 9, 19, 23, 62

Ahas (Snake)

May karelasyon ka ngayon happy ka. Ipanalangin mo lang na hindi siya tulad ng sign niya…ahas. Kunsabagay pareho naman kayo kaya tuklawin mo na lang siya. Pero, hindi dapat kasamaan ang ibigay mo sa kanya kundi kabutihan. Baka sa pamamagitan niyan ay makonsensiya rin siya.

Masuwerteng numero; 34, 44, 47, 69

Kabayo (Horse)

Kung hindi nila maintindihan ang ginagawa mo, makabubuting ipaliwanag mo ng mabuti sa kanya. Mas maiging mag-usap kayo ng maayos kaysa naman sisipain ninyo ang isa’t isa. Magpakatao, huwag maging asal hayop.

Masuwerteng numero; 4, 15, 18, 57

Tupa(Sheep)

Mag-imbestiga ka kung nais mo talagang malaman ang katotohanan. Kawawa ka naman kasi kung hanggang ngayon, sa kabila ng kabutihang ginawa mo ay wala siyang balak na suklian ka ng kabutihan.

Masuwerteng numero; 12, 14,48, 52

Unggoy (Monkey)

Anuman ang trabaho mo, pagbutihin mo. ‘Yan naman ay para rin sa’yong kabutihan. Kapag nakita ng boss mo na maganda ang trabaho na iyong ginagawa, magagawa ka niyang i-promote. Kaya magsuot ka ng damit na may kulay violet para mapansin ka niya.

Masuwerteng numero; 42, 51, 55, 58

Tandang(Rooster)

Ang pag-ibig ay lalong yayabong kung may tiwala at respeto. Kaya igalang mo ang paniniwala ng mahal mo kung nais ninyong tumagal habambuhay. Huwag kang magsu-short cut dahil may masamang mangyayari.

Masuwerteng numero; 2, 14, 17, 26

Aso (Dog)

Huwag kang daldal nang daldal diyan. Nakakairita at ganoon din nararamdaman ng mga nakakarinig sa’yo. Huwag mo na hintayin pang may magalit sa’yo at gustuhin niyang mawala ka sa mundong ito. Kaya, ingat. Hindi ka nakakasiguro na mabait ang taong makakasama mo.

Masuwerteng numero; 16, 17, 55, 66

Baboy(Pig)

Huminahon ka palagi, ah. Huwag kang magpabigla-bigla sa pagdedesisyon, kapahamakan kasi ang maaaring maghintay sa’yo niyan, eh. Hindi mo naman siguro gusto iyon, hindi ba? Kaya isip ang pairalin, huwag ang emosyon.

Masuwerteng numero; 12, 24, 46, 68

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here