Chinese Horoscope Nobyembre 25, 2021

372

DAGA (RAT)

Itutuloy mo kung anuman ang iyong nasimulan. Walang makakahadlang sa’yo kahit pa ang iyong mga mahal sa buhay. Buo na ang desisyon mo tungkol sa isang mahalagang bagay na iniisip mong magiging malaking parte sa iyong hinaharap.

Masuwerteng numero; 4,6,11,15

BAKA (OX)

May magagawa ka pa para baguhin ang isip ng iyong kaibigan tungkol sa kanyang napagdesisyunan na may kinalaman sa inyong trabaho. Alam mo namang hindi solusyon ang pagreresign at makakadagdag lang ito sa kanyang problema kapag nawalan siya ng trabaho.

Masuwerteng numero; 12,30.34,47

TIGRE (TIGER)

Masaya ang pagkikitang magaganap sa isang reunion. Matataranta ka kung sino ang una mong kakausapin dahil lahat sila ay gustong kausapin ka rin. Kahit na hindi maging ganoon kasaya ang programa ay kakaibang saya ang idudulot nito sa inyo.

Masuwerteng numero; 35,38,49,55

KUNEHO (RABBIT)

Kakailanganin mong bawas bawasan ang pagkain ng matatamis na pagkain. Kung hindi mo ito gagawin ay magdudulot ito ng hindi maganda sa iyong katawan at hindi mo rin magugustuhan ang iyong mararamdaman.

Masuwerteng numero; 12,21,26,36

DRAGON (DRAGON)

Hindi mo inaasahan ang mararamdaman sa isang dati ng kakilala at kasamahan sa trabaho. Magugulat ka na lang sa sarili mo dahil maiisip mo siya at gugustuhin mo na palagi mo siyang makita. Makakaramdam ng kakaibang kilig.

Masuwerteng numero; 6,21,29,30

AHAS (SNAKE)

Hindi ka mabibigo sa nais mong mangyari ngayon. Papaboran ka ng tadhana dahil marami ka na ring naging sakripisyo para rito. Kaya dapat lang na samantalahin mo ang pagkakataon na ibibigay sa’yo ng Diyos.

Masuwerteng numero; 56,67,69,72

KABAYO (HORSE)

Wag kang mawalan ng pag-asa dahil hindi pa katapusan ng mundo. Ang problemang kinakaharap mo ngayon ay magdaraan lang sa iyong buhay at hindi tatambay kaya dapat lang na ikaw ay maging matibay.

Masuwerteng numero; 43,44,58,59

TUPA (SHEEP)

Ikaw na lang ang natitirang pag-asa ng inyon grupo upang makamtan nila ang pinakaaasam inyong tagumpay kaya hindi mo sila dapat bitawan. Mas makakabuti kung sila ay ipaglalaban mo hanggang sa dulo.

Masuwerteng numero; 61,68,76,77

UNGGOY (MONKEY)

Ang maghapon ay mapupuno ng saya. Kikiligin ka sa kanya. Lalo pa at bawat sandali sa araw na ito ay kasama mo siya. Mahuhuli mo rin ang mga lihim niyang pagsulyap sa’yo kaya naman kakaibang saya ang madarama mo.

Masuwerteng numero; 1,6,21,29

TANDANG (ROOSTER)

Ikaw ang siyang mag-aadjust ngayon kung paano mo dapat i-handle ang isang malayong kaanak .Hindi mo pa siya lubos na kilala pero gusto mo siyang makilala ng lubusan kaya naman ikaw ang gagawa ng paraan kung paano.

Masuwerteng numero; 11,15,18,19

ASO (DOG)

Magiging magaan ang pasok ng pera sa araw na ito. Pero hindi ibig sabihin ay pwede ka ng magwalwal ng salapi. Dapat na hindi mo makalimutan ang mga pagkakagastusan sa kinabukasan upang hindi ulit malagay sa kagipitan.

Masuwerteng numero; 30,35,54,65

BABOY (PIG)

Iwasan ang labis na pagbababad sa social media dahil marami kang makakaligtaang gawin. Mas makakabuti kung uunahin muna ang mas importante. Gawing produktibo ang bawat oras mo upang sumigla ang iyong pangangatawan.

Masuwerteng numero; 4,13,27,32

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here