Chinese Horoscope, Nobyembre 25, 2020

1109

Daga (Rat)

Huwag kang matuwa dahil lang sa natagpuan mo ang madaling ruta. Maaari kasing ang katuwaan mo ay magdadala rin ng panganib sa huli. Kaya, bago ka kumilos, mag-isip kang mabuti. Masuwerte ka sa numero sais at sampu.

Masuwerteng numero; 12, 14, 56, 59

Baka(Ox)

Dahil sa kasipagan at katalinuhang ipinapakita mo. Malaki ang posibilidad na mabigyan ka ng umento. Malaking tulong iyon sa’yo kaya ipagpatuloy mo ang iyong ginagawa. Mapalad ka sa kulay puti. Martes ang masuwerteng araw para sa’yo.

Masuwerteng numero; 27, 41, 44, 48

Tigre (Tiger)

Hindi madali ang iyong trabaho kaya dapat pagbuhusan mo ng atensyon. Kumain ka lang ng maigi para makapag-isip ka. Mamalasin ka kung susuwayin mo ang utos ni Bossing. Kaya, wag kang atribida dahil bad trip siya ngayon.

Masuwerteng numero; 3, 18, 31, 60

Kuneho (Rabbit)

Maghinay-hinay ka sa anumang ginagawa mo. Maaari mo kasing ikapahamak ‘yan. Maigi pang magpahinga ka muna saka ka na muling mag-isip kung ano ang dapat mong gawin. Mamalasin ka kapag nagpabigla-bigla ka. Sigurado kasing magdidilim lang ang iyong mundo.

Masuwerteng numero; 30, 49, 50, 64

Dragon

Uulan ng biyaya. Saluhin mo, dali. Magkakaroon ka ng masaganang buhay. Huwag ka lang magbabago. Maging mabait ka lang at pagpapalain ka pa. Dilaw at asul ang masuwerteng kulay sa’yo.

Masuwerteng numero; 13, 25, 35, 36

Ahas (Snake)

Huwag kang maging ahas sa taong malapit sa’yo dahil babalik din sa’yo ang masamang ginawa mo sa kanya. Puro kabutihan ang dapat mong ipakita. Kung may nangangailangan, tulungan. Huwag maghintay ng kapalit. Masuwerte ka at maraming taong mapagkakatiwalaan sa paligid mo.

Masuwerteng numero; 2, 30, 36, 38

Kabayo (Horse)

Huwag kang masyadong magastos. Darating ang araw na maghihirap ka kapag di ka nag-ipon. Huwag mo hayaang mangyari iyon.

Masuwerteng numero; 41, 51, 54, 63

Tupa(Sheep)

Gamitin mo ang iyong puso’t isipan. Maging balanse ka sa lahat ng bagay. Sana ay intindihin mo rin ang mga taong nagmamahal sa’yo. Kung hindi mo kasi gagawin ito, kawawa ka. Baka kapag ikaw ang nangailangan ay iwanan ka nila.

Masuwerteng numero; 10, 20, 23, 51

Unggoy (Monkey)

Magsimula ka sa mababa para mas maramdaman mo ang tagumpay. Kaya, maging masipag ka. Huwag masyadong magmadali. Darating din ang tamang panahon para sa’yo.

Masuwerteng numero; 22, 37, 47, 52

Tandang(Rooster)

Maraming tao ang magpapayo sa’yo ng kung anu-ano. Matuto kang makinig pero piliin mo ang pinakatama. Ganoon lang kasimple ang buhay. Kapag alam mo ng mali, bakit gagawin mo pa? Magkakaroon ka lang ng miserableng buhay.

Masuwerteng numero; 4, 9, 19, 59

Aso (Dog)

Maraming pagsubok ang darating sa’yong buhay. Okay lang ‘yan. Ganoon talaga ang buhay. Basta maging matatag ka lang palagi. Magsuot ka ng pink, susuwertehin ka.

Masuwerteng numero; 32, 41, 46, 59

Baboy(Pig)

May makakatabi kang mataba, siya ang magiging suwerte mo kaya makabubuti kung magiging mabait ka sa kanya. Kapag ginawa mo iyon, maraming biyaya ang darating.

Masuwerteng numero; 11, 18, 28, 44

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here