Chinese Horoscope; Nobyembre 24

0
419

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Huwag mong dadalasan ang paglingon sa nakaraan dahil hindi ito makakabuti para sa iyong hinaharap. Ngayong araw ay mararamdaman mo ang kanyang pagtatampo dahil hindi niya gusto ang pagbalik mo sa mga alaalang hindi na dapat pang balikan.

Masuwerteng numero; 9,11,13,23

BAKA (OX)

Paglalabanan mo ngayon ang isang tukso. Gagawin mo ang lahat para maiwasan ito pero hindi ka nito tatantanan hangga’t hindi ka napapasuko. Kailangan mong mapatunayan sa sarili mo kung gaano ka katatag.

Masuwerteng numero; 1,2,8,9

TIGRE (TIGER)

May gagawin kang bagay na ikagugulat ng mga taong malapit sa’yo. Hindi nila ito inaasahan at ni sa hinagap ay hindi nila inakalang magagawa mo. Para sa’yo ay hindi naman ito masama kaya walang dahilan para hindi mo ito gawin.

Masuwerteng numero; 11,24,26,30

KUNEHO (RABBIT)

May pag-asa pang makuha mo ang gusto mo. Kakailanganin mo lang ang karagdagang pagtitiyaga at pagsusumikap. Huwag mong tatanggihan ang mga mag-aalok sa’yo ng tulong dahil malaking bagay ito para sa’yo.

Masuwerteng numero; 10,12,14,20

DRAGON (DRAGON)

Sa wakas ay magkakaroon na rin siya ng lakas ng loob na saguting ang mga tanong mo. Pero hindi ka makukuntento sa makukuha mong sagot. Sa tingin mo kasi ay may mga bagay pa siyang inililihim sa’yo. Wala kang magagawa sa bagay na ‘yon.

Masuwerteng numero; 1,3,4,6

AHAS (SNAKE)

Magkakaroon ka ulit ng komunikasyon sa isang kaibigan na matagal mo ng hindi nakikita at nakakausap man lang kahit sa social media. Mag-ingat sa pakikitungo sa kanya dahil kasabay ng pagbabago ng panahon ang pagbabago niya.

Masuwerteng numero; 7,18,25,26

KABAYO (HORSE)

Hindi masama ang magtipid. Pero kailangan mo rin itong ilagay sa lugar. Ang pagtitipid ng sobra ay pagdadamot na rin sa sarili. Kailangan mo rin pagbigyan ang sarili mo paminsan minsan. Deserve mo ring mag-unwind at kumain ng masasarap kahit minsan lang.

Masuwerteng numero; 2,5,28,29

TUPA (SHEEP)

May lalapit sa’yo para humingi ng tulong. Gustong gusto mo siyang tulungan at bukal ito sa loob mo. Ang problema, ikaw mismo ay nangangailangan din ng tulong ngayon. Kaya makakaramdam ka ng lungkot dahil hindi mo siya magagawang tulungan.

Masuwerteng numero; 10,11,13,14

UNGGOY (MONKEY)

Tama ang ginagawa mong dalhin ng magaang ang lahat ng problema. Pero hindi mo kailangang pasanin lahat. Handa naman silang tulungan ka. Ang kailangan mo lang gawin ay magsalita at sabihin sa kanila na hindi mo na kaya.

Masuwerteng numero; 4,16,17,20

TANDANG (ROOSTER)

May babalik at magpaparamdam sa’yo. 100 % na ikatutuwa mo ito. Pero bago ka magdiwang ay kailangan mo munang siguraduhin ang pakay niya sa’yo. Maghinay-hinay ka muna sa iyong aksyon at mga salitang bibitawan mo dahil baka mahulog ka sa isang patibong.

Masuwerteng numero; 1,2,13,15

ASO (DOG)

Kalmado ang araw na ito para sa’yo. Walang paparating na suwerte pero wala rin namang negative vibes sa paligid. Ipagpasalamat mo ito sa Diyos dahil sa dami ng problema ng mundo ay hindi ka isa sa mga nabibigatan dito.

Masuwerteng numero;4,5,16,18

BABOY (PIG)

Ngayon ay maaappreciates mo ang tulong na matatanggap mula sa iyong mga magulang. Nasanay ka na kasing nakatayo sa sarili mong mga paa. Akala mo ay kaya mo na lahat. Huwag mong kalilimutan na napakasuwerte mo dahil meron ka pa ring mga magulang na handang tumulong sa’yo.

Masuwerteng numero; 20,21,29,30

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here